OFW sa Kuwait hinampas na parang bola | Bandera

OFW sa Kuwait hinampas na parang bola

Susan K - July 04, 2018 - 12:10 AM

MAY panibago na namang kasong naiulat ng pananakit ng OFW sa bansang Kuwait.

Sa kabila ng pagkakaroon na ng kasunduang napirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, naulit na naman ang pang-aabuso sa ating OFW.

Hinampas ng baseball bat ng kaniyang employer si Maricris Ledesma at nakahingi naman ito ng tulong sa kaniyang kapwa OFW. Ipinakita niya sa pamamagitan ng video ang kaniyang binti, braso at likod na punom-puno ng mga pasa.

Nasa kustodiya na ng embahada ng Pilipinas si Ledesma at nakapagreport na rin ang pamilya nito sa OWWA.

Magsasampa ng kaso ang OFW laban sa kaniyang employer.

Magiging test case ito kung gaano nga ba kalakas ang naturang kasunduan sa pagbibigay proteksyon sa ating mga OFW.

May ngipin nga ba ito upang papanagutin ang mga abusadong employer na walang sawang nananakit sa kanilang mga kasambahay?

Paano tutugon ang pamahalaan ng Kuwait sa mga reklamong isasampa ng mga OFW pati na ng mga dayuhang kasambahay doon laban sa kanilang mga amo?

Maaasahan na nga bang kaya nang ipagtanggol at bigyan ng proteksyon ang mga aping- aping manggagawang ito tulad ni Maricris at nang marami pang mga OFW na nagbuwis ng kanilang buhay sa kamay ng malulupit nilang mga amo?

Ngayon nga masusubok kung seryoso nga ba ang pamahalaan ng Kuwait na mahigpit na ipatupad ang kasunduan nila sa Pilipinas at hindi iyon magsisilbing drawing o palabas lamang.

Saksi ang buong mundo sa kasunduang iyon at maging sila, naghihintay din ng pagbabago.

Gayong ang katotohanan, hindi nga maaasahang mababago agad-agad ang masasamang ugali at kalupitang kinasanayan na, lalo pa’t kaaway nilang maituturing ang mga dayuhan na nasa loob mismo ng kanilang mga tahanan.

Tayo nga mismo sa ating mga sarili, isang malaking hamon talaga ang magbago at gawin ang tama.

At sa pagkakataong ito, pare-pareho nating bantayan ang magiging resulta ng kaso ng ating OFW sa katauhan ni Maricris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending