ARESTADO ang isang barangay chairman matapos ang isinagawang buybust operation sa Famy, Laguna, kaninang umaga.
Kinilala ni Supt. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Calabarzon police ang suspek na si Alfredo Manuel Jr.
Si Manuel ay kapitan ng Barangay Damayan at nangunguna sa watchlist ng pulis, ayon pa kay Gaoiran.
Idinagdag ni Gaoiran na narekober mula kay Manuel ang apat na sachet ng shabu.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending