Mga suspek binayaran ng P100,000 para patayin si Fr. Nilo- PNP
SINABI ng Philippine National Police (PNP) na binayaran ng P100,000 ang mga suspek para patayin si Fr. Richmond Nilo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Police Regional Office 3 Director Chief Supt. Amador Corpus na base sa testimonya ng mga suspek na sina Omar Mallari, na siya umanong gunman at Rolando Garcia, na siyang sumuko sa sa pulis, na inupahan sila ng isang Manuel Torres.
Ayon sa mga suspek, pinapatay ni Torres si Nilo matapos umanong pangunahan ng huli ang paghahain ng kasong molestation at rape laban sa pamangkin ni Torres na si Christopher Torres.
“Nabanggit niya (Mallari) po sa affidavit niya na si Manuel Torres, pamangkin niya si Christopher Torres, na seminarista na kinasuhan ng molestation and rape ni father,” sabi ni Corpus.
“Nasabi nito (Mallari) na galit si Manuel Torres doon sa pari dahil di na natuloy sa na pagpapari si Christopher Torres dahil kinasuhan nga ni father ng rape,” ayon pa kay Corpus.
Iginiit nman ni Corpus na hindi pa sarado ang kaso dahil pinaghahanap pa rin ng mga pulis ang ibang suspek, at maging ang ibang anggulo sa pagpatay.
“We are looking into that lead as of now, pero it is not yet very safe to say na hanggang doon lang,” giit ni Corpus.
“Investigators are looking into the other angles and possibly the arrest of other suspects so we can come up with a better idea about kung ano talaga ang motive in the killing of Fr. Nilo,” ayon pa kay Corpus.
Pinatay si Nilo noong Hunyo 11, habang naghahanda para sa isang misa sa kapilya ng Nueva Señora de la Nieve Zaragoza, Nueva Ecija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending