Opisina ni Wanda Teo sinita sa kinuhang P2.5M products sa Duty Free
KINUWESTYON ng Commission on Audit ang pagkuha ng tanggapan ni dating Tourism Sec. Wanda Teo ng P2.5 milyong halaga ng produkto gaya ng branded na bag at cosmetics sa Duty Free Philippines Corp.
Ayon sa 2017 Audit Report ng COA, sinabi nito na kumuha ang Office of the Secretary ng Department of Tourism ng $43,091.13 o P2.174 milyong halaga ng produkto mula sa tindahan ng DFPC.
Nagpalabas umano ng memoranda ang Office of the Secretary at opisina ni noon ay Usec. for Administration and Special Concerns Rolando Cañizal upang mabigyan ng gate pass ang mga ito.
Meron pa umanong P346,446.80 halaga ng produkto na kinuha sa DFPC pero hindi inirekord sa book of accounts nito.
“The 277 items costing US$6,938.35 or P346,446.80, apart from the US$43,091.13 or P2,174,150.08 that were recorded in the books, were all duly receipted by the Office of the DOT Secretary upon the release of the items from the DFPC warehouse based on the issued and approved GPS,” saad ng COA.
Ayon sa COA mayroong paglabag sa ilalim ng Tourism Act ang ginawang pagkaltas ng share ng DOT sa kita ng DFPC para mabayaran ang mga produktong kinuha nito.
“Stop the practice of directly charging from DOT’s share in DFPC’s net profits for the cost of items withdrawn by DOT from the DFPC stores and other payments made by DFPC for and in behalf of the DOT pursuant to the pertinent provisions of RA No. 9593 (Tourism Act of 2009),” saad ng COA.
Nauna ng nalagay sa kontrobersya si Teo dahil sa paglalaan ng DoT ng P60 milyong advertisement sa programa ng kayang mga kapatid sa PTV 4, isang government station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.