NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P130 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa Pasay at Clark.
Sinabi ni Commissioner Isidro Lapeña na kabilang sa mga nakumpiska ay 15.96 kilo ng shabu at 1.03 kilo ng marijuana sa loob ng FedEx warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakatago ang mga ilegal na droga sa loob ng limang package mula sa Estados Unidos, at deklarado bilang DVD player, furniture, cereals, at baby carriers. Naharang ang mga ito mula Mayo 26 hanggang Hunyo 7.
“The senders are Taylor Dizon, Eagle Po Box Rental, Gina Gamboa, Raven Mesina, Donna Mendoza and consigned to certain Christina Dizon, Alvin Santiago, Sergio Gamboa Natividad, Gracen Washington, and Ricardo Mendoza,” sabi ni Lapeña.
Ayon kay La Pena, pawang mga peke ang mga consignee ng mga package.
Dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon ang nakumpiska sa Clark port noong Hunyo 20.
Idinagdag naman ang mga ito bilang mga foam bed, at nakapangalan sa isang Carlo Cruz Bintulan, residente mula sa Parañaque City.
Sinabi ni District collector Atty. Lilibeth Sandag na pawang mga peke ang pangalan at address ng mga package.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.