Role model: Maine binigyan ng award para sa ‘Brigada Eskuwela’ campaign ng Deped | Bandera

Role model: Maine binigyan ng award para sa ‘Brigada Eskuwela’ campaign ng Deped

Jun Nardo - June 26, 2018 - 12:40 AM

MAINE MENDOZA

IBINAHAGI ng fans ni Maine Mendoza sa Instagram ng isang @am_mommiestitas ang iginawad na Certificate of Appreciation ng Department of Education para sa Brigada Eskuwela sa Cavite National High School.

Kaugnay ito ng Adopt-A-School Program ng Cavite National High School kung saan tinugunan ng Phenomenal Star ang panawagan na mag-donate ng gamit pang-eskuwela para sa mga mag-aaral doon.

Isa sa mga advocacy ni Meng ang tumulong sa mga poor but deserving students. Meron siyang ADN Scholars sa pakikipagtulungan ng isang grupo ng AlDub fans sa Pampanga.

Samantala, mapapanood na ngayong Sunday, July 1, ang pagsisimula ng month-long episode ni Maine sa weekly fantasy series ng GMA na Daig Kayo ng Lola Ko bilang si Laura Patola.

May nasulat na magge-guest daw si Jake Ejercito sa isa sa episodes ng DKNLK pero inalmahan ito ng ADN.
Pero hintayin na lang natin ang kumpirmasyon tungkol dito ng GMA Network bago kumuda ang mga AlDub fans laban kay Jake, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending