Maine mas matapang na ngayon sa pagharap sa mga hamon ng buhay | Bandera

Maine mas matapang na ngayon sa pagharap sa mga hamon ng buhay

Jun Nardo |June 20,2018
facebook
share this

Maine mas matapang na ngayon sa pagharap sa mga hamon ng buhay

Jun Nardo - June 20, 2018 - 12:01 AM

MAINE MENDOZA

INALALA kahapon ng fans ni Maine Mendoza ang araw ng pag-o-audition niya sa Eat Bulaga.

That time, bokya pa sa talent si Meng na ang tanging ipinakita sa audition ay ang magpapangit ng mukha at pagda-dubsmash!

Pero niyanig ni Maine ang TV industry sa pagpasok niya sa EB. Lalo pa nu’ng isilang ang loveteam nila ni Alden Richards na AlDub.

And the rest is history! Isinilang nga ang tunay na Phenomenal Star sa showbiz.

Ngayon, matapang na si Meng sa pag-i-explore ng iba niyang talents bukod sa pagpapatawa.

Sumasayaw na rin siya, nagdadrama at kumakanta pa, huh!

Third year pa lang niya sa showbiz sa July pero nagmarka na ang pangalan niya sa showbiz.

Kaya naman, Maine Mendoza is here to stay kahit anupaman ang paninirang gawin sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending