SC ibinasura ang apela ni Sereno kaugnay kanyang ouster
TUMANGGI ang Korte Suprema na baliktarin ang desisyon nito noong Mayo 11, 2018 matapos namang patalsikin si Maria Lourdes Sereno bilang chief justice.
Sa boto pa rin na 8-6, ibinasura hg Kataastaasang Hukuman ang inihaing motion for reconsideration, ayon kay SC Information Chief Atty. Theodore Te sa isang press conference.
“The Supreme Court during its session today (Tuesday, June nasura19), in the matter of Republic of the Philippines vs. Maria Lourdes P.A. Sereno denied with finality respondent’s Motion for Reconsideration of the Court’s May 11, 2018 decision,” sabi ni Te.
Sa desisyon ng Korte Suprema noong Mayo 11, pinaboran nito ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida na nagpapawalangbisa sa pagkakataga ni Sereno noong 2012.
Diniskwalipika si Sereno ng SC matapos mabigong maghain ng kanyang statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) nang nagtuturo pa siya ng law sa University of the Philippines (UP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.