Joshua, Bimby hindi na maghihirap kahit mabuhay pa ng 100 taon | Bandera

Joshua, Bimby hindi na maghihirap kahit mabuhay pa ng 100 taon

Ervin Santiago |June 18,2018
facebook
share this

Joshua, Bimby hindi na maghihirap kahit mabuhay pa ng 100 taon

Ervin Santiago - June 18, 2018 - 12:20 AM

NASA estado si Kris Aquino na kahit walang amang nagsusustento sa kanyang mga anak ay higit pa sa sustentadong bata ang maibibigay niya para kina Joshua at Bimby.

Kayang-kaya niyang buhayin ang kanyang mga anak, kahit isandaang taon pa uling mabuhay ang mga ito ay hindi na magugutom, napaghandaan na ng aktres-TV host ang kanilang kinabukasan.

‘Yun nga lang, walang tumatayong father figure para kina Josh at Bimby, si Kris ang tumatayong tatay at nanay ng kanyang mga supling. May malaking kawalan ding nararamdaman ang magka-patid.

Pero huwag na si Kris, marami namang inang mag-isa lang na nagpalaki sa kanilang mga anak, naglakihan ang mga bata na ina lang ang kanilang kasama at wala namang naging problema.

Nasa pagdadala lang ‘yun, nasa positibong pagtanggap lang sa pangyayari, kung hahanapin mo ang wala ay saka lang nagiging mahirap ang opisyo ng pagiging tatay at nanay.

Armado si Kris, bukod sa kanyang milyones na kinikita ay may dati na siyang yaman, kaya ang pagpapalaki kina Josh at Bimby ay mas magaan.

Nasa pagpapaliwanag din sa mga anak ‘yun, mas maaga nilang malalaman kung bakit wala silang kasamang ama araw-araw ay hindi na kuwestiyon, dalawang kamay na nilang yayakapin ang katotohanan.

Huli man ay maihahabol pa rin. Happy Father’s day kay Kris Aquino!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending