Tiwala dapat burahin sa sistema | Bandera

Tiwala dapat burahin sa sistema

Susan K - June 15, 2018 - 12:10 AM

NAKATANGGAP ang Bantay OCW ng email mula sa Hongkong mula sa isang namumroblemang Pinay roon.

Nais ni Beverly na magpatulong hinggil sa kapwa OFW na hindi umano tumupad sa kanilang usapan.

Kahit pa pribado at palasak na ang usaping ito ay minarapat naming sagutin upang magsilbing babala muli sa mga nakakalimot nating kababayan.

May subject na “Please help” ang kanyang mensahe sa email kaya alam naming kailangang-kailangan niya ng tulong. May sakit ang ina at may dalawang anak na binubuhay si Beverly.
Eto ang masaklap niyang kuwento.

Pumayag si Beverly na gamitin ang pangalan niya ng itinuturing niyang kaibigan nang minsang magipit ito.
Inaabonohan niya ang inutang ng kaibigan sa bangko upang huwag umano itong mapenalty at nang hindi rin masira ang pangalan.

Nagdeposit naman sa umpisa ang kapwa niya OFW sa bank account ni Beverly, pero palagi umano itong kulang.
Hanggang lumaon ay hindi na ito nagbayad.

Matagal bago niya muling nakausap ang kapwa OFW. Hindi na umano ito nagre-reply sa mga text messages niya at hindi sumasagot sa mga tawag.

Nang minsan ngang nagkausap sila ay ito pa galit sa kanya at sinabihan siyang walang kuwentang kaibigan dahil pagdating sa pera ay nanggigipit siya.

Sa puntong iyon ay si Beverly pa ang nakiusap na kailangan na niya ang perang ipinaluwal niya dahil ipinagagamot niya ang ina

Desperado na si Beverly kaya lumapit ito sa konsulado. Laking gulat naman niya dahil pinagalitan siya ng isang opisyal at sinabing nakakahiya siya dahil hindi raw siya marunong maawa sa taong nagigipit.

Nang magpapaliwanag na si Beverly ay binara siya ng taga-konsulado. Ayaw umanong pakinggan ang mga paliwanag niya.

Sumbong ni Beverly sa Bantay OCW, kaya nga raw siya lumapit sa konsulado ay upang humingi ng tulong at hindi upang husgahan na para bang siya pa ang may pagkakamali sa pagsusumbong niya.

Dagdag pa umano ng opisyal ay maliit na halaga lang naman daw ang involved kaya hindi niya dapat ginigipit ang nangutang sa kanya.

Pakiramdam ni Beverly, balewala sa opisyal ang mga pinagpapaguran nila dahil maliit na halaga lang pala para sa opisyal ang pinuhunanan niya ng kanyang buhay at pawis sa pagtatrabaho kahit malayo sa pamilya.

Nais ireklamo ni Beverly ang opisyal na pakiramdam niya ay nambastos sa kanya sa halip na mamagitan at tumulong.

Para naman sa mga kapwa OFW, payo ni Beverly, burahin na sa sistema ang katagang tiwala. Kapag pera na ang nasasangkot, walang kaibigan, walang tiwa-tiwala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending