Binay, iba pa kakasuhan sa ibinentang lupa ng Boy Scout | Bandera

Binay, iba pa kakasuhan sa ibinentang lupa ng Boy Scout

Leifbilly Begas - June 13, 2018 - 04:52 PM

Binay

NATAPOS na ng Field Identification Office ang isinasagawang fact-finding investigation kaugnay ng maanomalya umanong pagbebenta ng lupa ng Boy Scout of the Philippines na kinasasangkutan ni dating Vice President Jejomar Binay.

Inirekomenda ng FIO ang paghahain ng kasong graft laban kina BSP President Binay, Senior Vice President Wendel Avisado, BSP executives Del De Guzman, Miguel De Jesus, Enrique Lagdameo, Pedro Destura, Dale Corvera, Maximo Edralin, Jr., Remedios Petilla, Roberto Pagdanganan, Harmes Sembrano, Mildred Garay, Manuel Jose Dalipe, Leo Lasacar, Danilo Asiaten, Lutgardo Barbo, Jose Mari Pelaez, Ireneo Aquino, Jose Eduardo Delgado, Henry Dy, Jose Ma. Gastardo, Pepito Carpio, Nemesio Miranda, Jr., Jaime Semana, Wilfredo Chato, Alan Zulueta, Jorge Banal, Efren Edgard Dieta, Rodolfo Tamani, Von Carlo Yacob, J. Rizal Pangilinan, Salud Bagalso, at Amado Espino, Jr.

Kasama sa kaso sina Alphaland Makati Place, Inc. President Mario Oreta, mga dating opisyal ng Bureau of Internal Revenue na sina Teodoro Galicia, Authorized Revenue Official, Mark Anthony Panganiban, Revenue Officer; at Romeo Tomas, Group Supervisor.

Inirekomenda rin ang paghahain ng kasong Gross Neglect of Duty kina Binay, Avisado, De Guzman, Pagdanganan, Lasacar, Palaez, Delgado, Dy at Carpio.

Nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagbebenta sa 10,000 metro kuwadradong lupa ng BSP sa AMPI sa halagang P600 milyon.

Ayon sa FIO lugi ang BSP sa pagbebenta ng lupa sa Malugay Street, Makati City bentahan dahil nagkakahalaga ang lupa ng P1.75 bilyon.

Sa pagtataya ng Intech Property Appraisal na kinomisyon ng AMPI noong Nobyembre 2015, sinabi nito na ang halaga ng lupa ay P1.7 bilyon at kung kasama ang mga improvement dito ay aabot sa P10.1 bilyon.

Kinasuhan naman ang mga tauhan ng BIR matapos magpalabas ng certification na tax exempt ang bentahan ng lupa kaya hindi nakolekta ng gobyerno ang P63 milyong buwis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending