Ayuda sa OFWs pinaigting sa tulungan ng OWWA, FB
NAKIPAGTULUNGAN na ang Facebook, ang nangungunang social media platform sa mundo, sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang bigyan ng tulong at linangin ang kasanayan ng mga overseas Filipino workers at kanilang pamilya na magamit ang positibong mekanismo ng online networking at communication technology.
Ang pagtutulungan ay isinakatuparan sa pamamagitan ng isang digital literacy seminar upang tulungan ang mga OFW at kanilang pamilya na mabatid ang tamang paggamit ng social media upang makasabay sila sa pagbuo ng positibong online community.
Ang mga digital literacy seminar ay magbibigay rin ng mga pagsasanay para sa maliliit na negosyo para sa mga OFW na mayroong entrepreneurial skill upang ihanda sila sa pagbalik nila sa bansa.
Isa sa mga pangunahing programa sa pagdiriwang ng 2018 Migrant Workers’ Day ang naganap na paglulunsad ng tie-up ng OWWA sa Facebook, na may temang ‘Kabuhayan at Teknolohiya para sa OFWs at Pamilya” at ginanap sa Philippine International Convention Center na dinaluhan ng 2,000 OFW at kanilang pamilya.
Lumagda rin ang OWWA ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng ahensya at ng Coca-Cola Far
East Limited upang higit na palakasin ang reintegration program ng OWWA na lilinang sa kasanayan sa entrepreneurship ng mga umuwing babaeng OFW.
Livelihood ang isa sa pangunahing bahagi ng reintegration program ng OWWA.
Kasabay ng paglago ng teknolohiya at social media, kailangan rin tayong sumabay at gamitin ang mga pamamaraang ito para sa ikauunlad ng ating ekonomiya
Kinilala ang mga Pilipinong migranteng manggagawa dahil sa kanilang sipag, husay, at talento sa kabila ng mga hamon sa buhay at sa kani-kanilang mga trabaho.
Nagsagawa rin ang OWWA ng isang job fair na sinalihan ng 47 employers na nag-alok ng mga trabahong lokal at sa ibang bansa para sa mga OFW na nawalan ng trabaho sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ipinagdiriwang ang Migrant Workers’ Day tuwing Hunyo 7 alinsunod sa Republic Act No. 8042 ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na nilagdaan noong Hunyo 7, 1995.
Administrator Hans Leo Cacdac
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.