Win streak itataya ng San Miguel, TNT | Bandera

Win streak itataya ng San Miguel, TNT

Angelito Oredo - June 13, 2018 - 12:15 AM

Mga Laro Ngayon
(SM Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. GlobalPort  vs San Miguel
7 p.m. Magnolia vs TNT
Team Standings: Rain or Shine (7-1); Alaska (6-1); TNT (6-1); Meralco (5-2); San Miguel Beer (3-3); Columbian Dyip (4-5); Magnolia (3-4); Globalport (3-4); Phoenix (3-5); Barangay Ginebra (2-5); NLEX (2-6); Blackwater (1-8)

KAPWA itataya ng nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer at TNT KaTropa ang kani-kanilang winning streak sa pagsagupa sa magkahiwalay na kalaban ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.
Kapwa hangad ng Beermen at KaTropa ang ikaapat na diretsong pagwawagi na magpapatibay sa hangad nilang makakuha ng twice-to-beat advantage sa unang round Playoffs.

Makakasagupa ng San Miguel ang puwersadong manalong GlobalPort ganap na alas-4:30 ng hapon mabang makakatapat naman ng TNT ang dumadausdos na Magnolia Hotshots umpisa alas-7 ng gabi.
Bagaman nasa ikalimang puwesto ngayon ang Beermen ay kampante naman si SMB coach Leo Austria na makakahabol sila sa top two spots sa pagtatapos ng elims na may kaakibat sa twice-to-beat advantage sa unang round ng Playoffs.
“Okay lang na mangarap, na buhay pa kami for a top two slot,” sabi ni Austria. “Pero we need to stay in the moment, kung ano muna nasa harapan namin.”
Unang hadlang kay Austria ay ang mapanganib na GlobalPort na nakalasap ng dalawang sunod na kabiguan at isa sa mga nanganganib na mapatalsik sa kailangang walong koponan na makakausad sa quarterfinals matapos ang 11- laro sa eliminasyon.
“For me, GlobalPort can beat any team in this league,” sabi ni Austria. “Their guards in (Stanley) Pringle and (Nico) Elorde are playing really well, they have very capable big men in (Mo) Tautuaa and (Kelly) Nabong and (Sean) Anthony is also playing great. And they also have a good import (Malcolm White).”

Agad nakalasap ng tatlong sunod na kabiguan sa simula ng torneyo ang Beermen pero sinagot nila ito ng tatlong sunud-sunod na pagwawagi para makabalik sa kontensyon.
Samantala, magbabalik naman sa San Miguel lineup mula sa kanyang paglalaro sa FIBA 3×3 World Cup si Christian Standhardinger.
“We have played two games na wala siya (Standhardinger) and we have prepared for the eventuality na hindi pa rin siya maglalaro bukas (ngayon), but we’re ready,” sabi ni Austria patungkol kay Standhardinger.
Target naman ng TNT ang ikapitong panalo sa walong laro na magtatabla dito sa nangunguna ngunit walang laro ngayon na Rain or Shine.
Makakalaban ng KaTropa ang Hotshots na matapos ang magandang simula (3-1) ay natalo ng tatlong diretso papasok sa larong ito. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending