Jodi sobra na ang kapayatan: Para na siyang buto’t balat!
MAY sakit ba si Jodi Sta. Maria? ‘Yan ang tanong ng ilang fans and supporters ng Kapamilya actress nang makita nila ang ilang litrato nito sa Instagram kasama ang kanyang anak na si Thirdy.
Grabe na raw kasi ang kapayatan ngayon ng girlfriend ni Jolo Revilla kaya ang feeling ng mga netizens ay may health problems ang aktres. Sa dalawang photos na nakita namin sa IG ni Jodi, kapansin-pansin ang tila “buto’t balat” na niyang katawan.
Sa isang litrato na kuha sa Bahamas ay makikitang kayakap niya ang anak na si Thirdy na ang background ay isang cruise ship. Nilagyan ito ni Jodi ng caption na: “Muy and I are ready to seas the day…with our matching braids! More on my Stories!”
May isang photo naman si Jodi na nakaupo sa isang beach chair kung saan kitang-kita rin ang kanyang kapayatan.
Dito maraming nag-comment at humanga sa kaseksihan ni Jodi pero mas maramin ang nagsabing nag-aalala sila para sa kalusugan ng aktres.
Narito ang ilan sa mga komento ng followers ni Jodi.
“Bonggacious ang pa-abs ni Madam. Silang 2 lang ba? No Jolo?” ayon kay @gayshaph.
“Mukha lang kayong mag-ate ni Thirdy!” say naman ni @naielgachie97
Sey naman ni @mermaidoffduty, “OMG no! Yup you are healthy but Too much naman ang pagka thin di bagay sayo mukhang kang may sakit!”
“Ms Jodi, pls pataba ka naman kahit konti lang. Sori!” komento ni @anadalisay2006.
Ito naman ang sey ni @yanyanfernandezh, “Hi idol try to gain kahit konti weight lang. Look anorexic here but still pretty pa din naman.”
“Ms. Jodi sobrang payat mo na. tumanda ang mukha mo at tuyot ng tingnan pati katawan at face mo. mas maganda ka noong medyo malaman ka!” chika ni @emilymanalang.
Pagkontra naman ni @ozeth888, “Pag mataba ayaw nyo pag mapayat ayaw nyo din. Hayaan nyo nalang yung tao. She knows how to take care of herself. Be happy for her nalang. Ipag dasal nyo nalang kaya sya.”
“Ang daming mema dito, tsk. Its her body not ours. tingnan muna natin ang ating sarili, baka tau ang nangangailangan ng payo. im sure she knows what is best for her body, and i knw hnd xa nagpapabaya kc may anak xa and she needs to be healthy for son,” pahayag ni @madenef28.
q q q
Mahalagang maging maingat para masiguradong ligtas ang buong pamilya sa mga peligro ngayong balik-eskwela na ang mga bata.
Narito ang ilang safety tips na magagamit sa loob at labas ng paaralan ngayong pasukan mula sa Red Alert, ang 2018 KBP Golden Dove Awards Best TV Public Service Program.
1. Turuan magsumbong ang mga bata. Kapag nakaengkwentro ng mga bully, turuan ang mga bata na magsumbong sa guro o sa guidance counselor, at ipaalam kaagad kung may nagaganap na bullying o rambol.
2. Ituro ang tamang asal. Ayon sa psychologists, sa tahanan nagisismula ang disiplina. Mahalagang malaman ng mga bata na mali ang pambubugbog o pananakot.
3. Paalalahanan ang mga anak na huwag makipag-usap at sumama sa hindi kakilala upang makaiwas sa modus ng kidnaper o magnanakaw.
4. Sunduin ang mga anak sa eskwelahan o magpasabay sa ibang kaklase kung maglalakad mag-isa para hindi magmukhang mag-isa at mapagsamantalahan ng mga kriminal.
5. Dumaan sa ruta na pamilyar sa iyo at huwag sa madidilim na eskinita upang masiguradong hindi ka maliligaw at maging lapitin ng magnanakaw.
6. Magdala ng pocket flashlight at pito kapag hindi maiiwasang dumaan sa madidilim na eskinita o lugar.
7. Iwasang gumamit ng cellphone kapag naglalakad dahil takaw-peligro ito kapag napansin ng mga magnanakaw.
8. Huwag nang makipagbuno sa mga magnanakaw kapag na-hold-up, lalo na kapag ikaw ay nag-iisa lamang. Mainam nang maging ligtas kaysa manlaban.
9. Sakaling manakawan, Kabisaduhin ang identifying marks o pagkakakilanlan ng magnanakaw. Makakatulong ito sa imbestigasyon kung mailalarawan nang mabuti ang suspek. Obserbahan ang tangkad, damit, gamit na sasakyan, o ibang identifying marks.
10. Kaagad i-report o ipa-blotter sa barangay kapag nanakawan upang maimbestigahan ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.