Kris tinawag na reyna ng drama ni Mocha: OMG! I love it! I am a queen!
IT SEEMS that Mocha Something is not only mangling the King’s language.
Napuna kasi ng ilan ang kanyang grammatical error kahit na wikang Pilipino na ang kanyang
ginamit sa kanyang post.
“Gusto ko lang po sabihin at linawin sa lahat – wala pong hidwaan sa aming dalawa ni SAP Bong Go. Mahal at suportado ko po siya. Move on na po tayo. Lahat tayo ay niloloko ng isang drama queen. Sinubukan tayong i-divide para sa sarili niyang pang-interes. SOLID TAYO! Walang bibitaw!” say ni Mocha sa Twitter.
Nag-react ang netizens sa language gaffe ni Mocha.
“Sariling pang-interes? It should be pansariling interes. Jusko Tagalog na nga mali pa rin ang grammar.”
“Lemme tag: @MochaUson madame, sa wikang Filipino na nga lang, mali pa rin ang iyong pagbabalangkas? O tagapamahala ng pahina mo sa Facebook ang may gawa? Meron nga bang tagapamahala?”
“Kahit ano pang dahilan, walang sapat na rason para magkamali tayo sa ganitong aspeto. Mukha namang malaki-laki ang pondo sa opisina ni Madam para kumuha ng eksperto sa wikang Tagalog o kung hindi man, malaki ang personal nyang sahod para kumuha ng personal na katuwang.”
“Kulang lang talaga sa pansin yang si Mocha Uson because you have everything that she doesn’t have. Sino ba sya to begin with, San ba sya napulot? She doesn’t deserve to be in that appointed position where she is right now, the only ’qualification’ she has is her dirty mouth!”
Those were the reactions of some netizens.
“OMG I LOVE IT! You finally got something right, I AM A QUEEN,” came Kris Aquino’s reaction naman.
Ganyan talaga, Mocha. Nasa communications department ka ng Malakanyang kaya palaging pupunahin ang grammar mo whether sa English o sa Filipino mo isulat ang post mo. Hindi mo sila masisisi kasi what you write is what you are.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.