NASAGIP ng mga otoridad ang siyam na estudyante ng Bulacan State University (BSU) na na-stranded habang nagha-hiking sa kabundukan ng Orani, Bataan, iniulat ng militar Linggo.
Nakilala ang siyam bilang sina Quirino Santiago, Leomart Mangawan, Carlo Fuentez, Jovito Bacay Jr., Ian Carlo, Reniel Calooy, Federico Odiada, Jeffrey Culilap, at Arjan Eteban, sabi ni Lt. Col. Isagani Nato, tagapagsalita ng Armed Forces Northern Luzon Command.
Nasagip ang siyam sa kasukalan ng Mt. Natib, Brgy. Tala, dakong alas-12 ng madaling-araw Sabado, aniya.
Bago iyon, naiulat sa mga lokal na awtoridad na na-strand ang siyam habang nagha-hiking sa naturang lugar dahil sa pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong “Domeng” at ng habagat, ani Nato.
Naglunsad ng rescue operation ang Army 48th Infantry Battalion, Orani Police, at Metropolitan Bataan Development Authority nang matanggap ang ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.