Bakit ang dad ko pa, why not my brother na kaya pang ipagtanggol ang sarili niya!- Kris | Bandera

Bakit ang dad ko pa, why not my brother na kaya pang ipagtanggol ang sarili niya!- Kris

Cristy Fermin - June 09, 2018 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

PAGKATAPOS nang walong taon ay muli kaming nagkita ni Kris Aquino. Siya ang gumawa ng paraan para mapuntahan kami sa “Cristy Ferminute” nu’ng Huwebes nang hapon.

Nu’ng tumawag sa amin si Dindo Balares, isang anak-anakang kapwa manunulat na pupunta raw sa aming radio program ang aktres-TV host ay ayaw naming maniwala, kami lang nina Japs Gersin at Tina Roa ang nakakaalam nu’n dahil ayaw naming ipagmakaingay.

“Pupunta raw siya sa iyo para personal na magpasalamat,” tanging sinabi ni Dindo. Huwebes nang umaga ay kumpirmado na ang pagdating ni Kris, ang kanyang assistant na si Alvin ang nagpatotoo, nu’n lang namin sinabi sa mga boss namin sa radyo na parating nga si Kris para mag-guest.

Grabe pa rin ang asim ni Kris, nahirapan siyang makarating sa aming booth sa second floor ng Reliance Studios, pinagkaguluhan siya agad ng mga nasa ibaba ng gusali.

Ano pa nga ba ang maaasahan mula kay Kris kapag nagsimula nang magbukas ang kanyang bibig? Isang libo’t isang rebelasyon ang kanyang baon.

Nabigo ang mga umaasang kakatkatan niya si Mocha Uson, naunsiyami ang maraming nag-isip na kakatay-katayin niya ang pagkatao ng dating nagpapaseksing singer-dancer, dahil halos hindi na nga niya ito pinansin.

Sapat na para sa kanya ang panghihingi ng paumanhin sa kanya nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanang kamay ng ating pa-ngulo na si Bong Go, “care bears” na lang ang reaksiyon niya kay Mocha Uson na ang ibig sabihin ay wala na siyang pakialam sa bumebenggang personalidad sa kanyang mga magulang.

Ang malinaw na pahayag ni Kris, “Anak ako na nasaktan dahil patay na ang mga magulang ko na patuloy niyang sinasaktan. Patay na ang dad ko, pero bakit video pa niya ang ipinost, why not my brother, na kayang ipagtanggol ang sarili niya?

“It’s the video, du’n ako sobrang nasaktan kaya nagwala ako. Bakit hindi picture na lang ng dad ko? Bakit ‘yung video pa na nagpapaalala sa aming magkakapatid kung paano pinatay nang walang kalaban-laban ang daddy ko!” emosyonal na pahayag ni Kris Aquino.

(Bukas ang mga kasunod na kuwento.)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending