Kalabaw na kakatayin, nagwala, 4 sugatan sa Pangasinan
SUGATAN ang apat na katao matapos magwala ang isang kalabaw na kakatayin sana sa Mangaldan, Pangasinan, kahapon ng umaga.
Inihahatid ng may-aring si Ronald Soriano ang kanyang 10-anyos na lalaking kalabaw sa katayan ganap na ala-1:30 ng umaga nang magwala ito at atakihin ang 20-anyos na matadero na si Jon Mark Molato, ayon kay Veronica Junatas, ang nangangasiwa ng katayan.
Dinala si Molato sa ospital para magamot.
Nagtatakbo ang kalabaw at binalian pa ng hita si Soriano.
Hindi rin mahanap ang kalabaw ng mga pulis na ipinadala sa katayan, nagtatakbo sa isang sakahan, sabi pa ni Junatas.
Ganap na alas-5:30 iniulat na inatake din ng kalabaw sina Diane Bautista at John Paul Serapion, na nagpapagasolina sa isang gasoline station.
Binaril ng mga pulis ang kalabaw gamit ang isang M16 rifle.
Sa isang panayam, inilarawan ni SPO4 Vicente Abrazaldo ng Mangaldan police station, ang kalabaw bilang “raging bull ready to kill anytime.”
“But they say that some animals become wild if they smell blood of other animals,” ayon kay Junatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.