Biriterong male singer para-paraan ang panghihipo sa mga masahista
NAKAKALOKA naman ang kuwento ng isang tropa ng mga masahista tungkol sa isang kilalang male personality na madalas dumalaw sa kanilang spa.
Wala kasing extra service sa kanila, talagang masahe lang, pero kumakawala ang mahiwagang kamay ng lalaking personalidad paminsan-minsan.
May kalikutan ang kanyang mga kamay sa aparato, gumagapang ‘yun, pati ang kanyang ulo ay
umeeksena rin. Kinukuwestiyon ng marami ang kasarian ng male personality.
Kuwento ng aming source, “Clean ang lugar na ‘yun, as in, walang ino-offer na extra service.
Talagang hanggang pindut-pindot lang ang nagaganap du’n, wala ‘yung patagong ginagawa ng mga client at ng mga masahista.
“Madalas magpunta du’n ang isang male personality, matagal nang maraming nagdududa sa gender niya, mahilig siya sa masahe. Natural, lalaki ang pinipili niyang magmasahe sa kanya.
“Hiwalay ang kuwarto para sa mga female and male clients ng spa, malinis ang place, kaya maraming kilalang personalities na madalas du’n at isa nga itong male personality na matagal nang pinagtataasan ng kilay ng marami ang pagpapa-macho,” simulang chika ng aming source.
Hindi naman nagtatanong ang male personality ng extra service mula sa mga masahista. Never siyang nag-alok at wala ring mag-aalok sa kanya dahil bawal na bawal ‘yun sa lugar.
“Pero para-paraan lang naman ‘yun, di ba? Pumaparaan si ____ (pangalan ng male personality na towering ang boses), magaling siyang gumalaw nang kunwari, e, wala lang! Kunwari, e, hindi sinasadya ang ginagawa niyang pagdunggul-dunggol sa notes ng nagmamasahe sa kanya.
“Di ba, may pagkakataong nakadapa ang kliyente, nasa ulunan niya ang masahista, pabaligtad siyang minamasahe? Du’n nakakakita ng chance ang tagung-tago ninyong kumare!
“Ulo ang ginagamit niyang pangdunggol sa sandata ng masahista, pero kunwari, e, wala lang ‘yun! Naman! Natural, ramdam ‘yun ng masahista, pati ang paminsan-minsan niyang pagpapagalaw ng mga kamay niya!
“Deadma na lang ang mga nagmamasahe, hindi sila nagagalit, naaawa pa nga sila du’n sa male personality na hindi puwedeng lumandi-landi dahil hindi pa nga siya ladlad.
“Wala akong ibibigay na clue, basta, napakataas ng voice niya, magaling siya sa biritan, ‘yun lang!” huling chika ng aming impormante.
Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala mang clue ang source, e, siguradong getlak n’yo pa rin kung sino ang male personality na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.