Miyembro ng kilalang grupo malakas ang padrino sa network kaya maraming raket | Bandera

Miyembro ng kilalang grupo malakas ang padrino sa network kaya maraming raket

Cristy Fermin - June 01, 2018 - 12:30 AM

PINAPALAKPAKAN ang grupong ito habang humahataw sila sa entablado. Sabay-sabay kasi ang kanilang galaw, para silang mga bulateng kisawan nang kisawan sa stage, maraming humahanga sa kanila.

Kung magbiruan sila sa ere ay parang nagkakasundo sila, masasaya ang mga bagets, parang walang nangyayaring inggitan sa kanilang grupo.

Kuwento ng aming source, “Hindi ‘yun mahahalata sa ere dahil hindi naman sila nagsasalita, sayaw lang sila nang sayaw, padyakan nang padyakan. Pero pagkatapos ng production number nila, du’n na lumalabas ang hindi kagandahang samahan ng tropang ito.

“Nagkakaroon kasi ng inggitan sa kanila, may mga pinapaboran kuno ang network na pinagtatrabahuhan nila.
In short, may palakasang nangyayari sa loob,” bitin na kuwento ng aming impormante.

May kasamahan silang palaging may project, bumibida pa nga ang mga ito kung minsan sa palabas, habang ang karamihan naman sa kanila ay nganga sa paghihintay ng proyekto.

“‘Yun ang sentimyento ng ibang members, may tinitingnan lang at tinititigan ang mga nagpapatakbo ng career nila. Merong mga pinapaboran, meron ding hindi pinapansin, kaya nagkakaroon tuloy ng inggitan sa loob.

“Like ‘yung isang co-member nila na palaging may show, ang dami-dami raw nila, pero ang isang ‘yun ang talagang binibigyan ng mga projects. Kasi nga, may backer daw na malakas sa istasyon.

“Bukod du’n, e, super-lakas din ang bagets sa kasamahan nilang sikat sa show, spoiled daw ang member na ‘yun sa kanilang kasamahang matindi ang power sa show, kaya may sama ng loob sa kanya ang ibang bagets sa grupo.

“Unti-unti nang nagkakaroon ng intrigahan sa grupo, meron nang nagpapapansin ng saloobin nila, kaya may mga nag-iisip na baka isang araw, e, wala nang matira sa grupo nang dahil sa inggitan,” kuwento pa ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo ang grupong ito, #sikatnasila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending