7 pelikula na magbabakbakan sa 2018 TOFARM filmfest napili na | Bandera

7 pelikula na magbabakbakan sa 2018 TOFARM filmfest napili na

Julie Bonifacio - June 01, 2018 - 12:20 AM

MILAGROS HOW AT BIBETH ORTEZA

Natuwa kami sa pagiging honest ni Dra. Milagros How, President and CEO of Universal Harvester Inc., and chief advocate of TOFARM Film Festival, sa sagot niya kung fan ba siya ng Pinoy movies at sino ang favorite niya na local stars.

Inamin ni Dr. How na hindi siya fan ng local movies at hindi rin siya mahilig manood. Pero may mga napapanood naman daw siya gaya ng pelikula ni Vilma Santos. But totally clueless siya sa sino talaga ang sikat.

When asked kung Vilmanian si Dr. How, hindi raw. Nagkakataon lang na si Vilma ang bida sa mga pelikulang napanood niya.

Kahit daw ang yumaong si Direk Maryo J. delos Reyes na itinuring ni Dr. How na trusted friend niya at festival director ng kanyang TOFARM filmfest ay wala siyang ideya na kilala ng mga Pinoy. Nagugulat na lang si Dr. How kapag may bumabati at nagpa-piktyur kay Direk Maryo kapag kasama niya.

And now, ang batikang manunulat na si Bibeth Orteza at Direk Joey Romero naman ang mga “kaagapay” ni Dr. How sa 2018 TOFARM Film Festival. Si Bibeth ang bagong Festival Director at si Direk Joey naman ang Managing Director, at the same time mga mamamahala para sa short film category na kasabay ding mapapalabas sa 2018 TOFARM filmfest on Sept. 12 to 18, with the Awards Night slated on Sept. 15.

Last Tuesday ginanap ang mediacon para sa formal announcement ng pitong kuwento na napili ng selection committee headed by Racquel Villavicencio, Krip Yuson, Antoinette Jadaone, Mario Cornejo and Manny Buisin with Direk Joey and Bibeth as finalists sa 3rd TOFARM Filmfest.

Una na ang historical drama “1957” from award-winning short film director Hubert J. Tibi, period romance “Fasang” from award-winning writer Charlson Ong, sci-fi “Alimuom” from award-winning indie filmmaker Keith Sicat, cultural drama “Lola Igna” from much-awarded filmmaker Eduardo Roy Jr., futuristic drama “Mga Anak ng Kamote” by international award-winning filmmaker Carlo Catu and written by Palanca winner John Carlo Pacala, dark comedy “Sol Searching” by award-winning music video director Roman Perez Jr., and biopic “Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story)” from award-winning lady director Ellen Ongkeko-Marfil, Rosalie Matilac and Milo Paz.

May ilang artista ang nabanggit na posibleng maging bida among the seven finalists. Ilan sa kanila sina Carlo Aquino, Melai Cantiveros at Alessandra de Rossi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending