LTFRB hahabulin ang mga driver ng jeepney na sobra kung maningil
NAGBABALA ang Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) na mananagot ang mga driver ng jeepney na sobra-sobra ang sinisingil sa mga pasahero.
“We will test the route of the jeepneys kasi baka nag-oovercharging na yung iba,” sabi mi LTFRB board member Aileen Lizada sa isinagawang pagdinig kaugnay ng petisyon ng mga operator ng jeepney na payagan ang pagtataas ng pamasahe.
Ito’y matapos namang ibunyag sa isinagawang pagdinig ni Arlis Acao, isang komuter mula sa Bicol, na siningil siya ng sobra ng isang driver ng jeepney.
Ayon kay Acao, umabot lamang ang kanyang biyahe ng 7.9 kilometro ngunit siningil siya ng driver ng jeepney ng P16 hanggang P20.
Sinabi ni Lizada dapat ay umabot lamang sa P14 ang pamasahe ni Acao.
“Dapat din po ayusin natin yung pagpapatakbo ng ating jeeps, wag po tayong mag overcharge,” she said.
“Kung nagcha-charge po kayo ng sobra-sobra, hindi naman po tama yun, hindi po fair sa mga mananakay,” ayon pa kay Lizada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.