Inggit kay BFF | Bandera

Inggit kay BFF

Beth Viaje - May 30, 2018 - 01:16 PM

ATENG Beth,
Tulungan mo naman ako. Yung best friend ko bakit parang lagi na lang akong naiinggit sa kanya? Mula ng elementary kami, parang lagi kong naiisip na napakaswerte niya. Lahat ay nabibili niya habang ako tagasalo lang ng mga pinaglumaan niya.

Naiirita ako at naiisip bakit kasi mahirap lang si mama. Ba’t di na lang nag-asawa ng mayaman para makaahon kami sa hirap? Mali ba itong naiiisip ko sa friend ko at sa mama ko?
Sheryl, of Cainta

Hello Sheryl!

At least alam mong mali ang damdamin mo. So you’re on the right track!

Instead na mainggit ka, maging mapagpasalamat ka. Oo nga’t tagasalo ka ng mga gamit nya, pero ate least, ‘teh alam mong malinis yung pinanggalingan ng mga sinalo mo.

O di ba, walang putok yung mga damit na nasalo mo. Siguro branded pa yung iba at hindi mukhang basahan sa pagkaluma nang ibigay sa iyo. Kaya talagang irampa at ipang awra! Yung ibang mga gamit na nasalo mo pwede mo talagang magamit o ipamigay sa iba na mas may pangangailangan sa iyo.

Kaysa mag isip ka na bakit mahirap si mama, mangarap ka na umasenso para makatikim naman si mader ng ginhawa. Ikaw ang pag-asa niya. Ikaw ang susi sa kaginhawaan niya. Pag mayaman kana saka mo mari-realize na mabuti rin yung mahirap kang yumaman kaysa the other way around, di ba?

Yung pananaw kasi natin nakadepende yan sa gusto nating makita. Kung ang nakikita lang natin ay kahirapan, subukan mong maglakad sa slum area, maghanap ng pamilya sa ilalim ng tulay nakatira at nang malaman mo ang tunay na kahulugan ng mahirap.

Kaysa kainggitan mo si bespren, be happy na nakikipagkaibigan siya sa dukhang katulad mo! Hahaha! Excuse me po!

Di ba me point naman ako? So be happy for bestfriend. She could have chosen other well-off at non-inggiterang BFF, pero she chose you! Perks pa na yung magagandang gamit nya, nabibigay sa yo, so naaambunan ka rin ng richness ni BFF!

Most of all, you are free to be a better person. Mag-aral mabuti (kung student ka pa) magtrabaho nang mahusay at kumita from your hard work. Eventually, magpe-pay off din ang maganda mong work ethic, I assure you! So, go girl and be happy. Be content for what and who you are and count your many blessings!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pag-aaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending