Retirement application pwede na online | Bandera

Retirement application pwede na online

Liza Soriano - May 30, 2018 - 01:03 PM

TUMATANGGAP na ang Social Security System (SSS) ng online retirement application mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at voluntary members na 60 anyos pataas sa pamamagitan ng kanilang website (www.sss.gov.ph).

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc na simula noong Mayo 10 ay maaari nang gamitin ng mga OFWs at voluntary members ang online web facility para mas mapabilis at mapadali ang pagsusumite ng kanilang retirement application.

Hinihikayat ng SSS ang mga OFWs at voluntary members na gamitin ang web facility para isumite ang kanilang retirement application.

Pero kailangan muna silang magrehistro sa My.SSS upang gumawa ng kanilang online account. Dito nila isusumite ang kanilang retirement application online, dagdag ni Dooc.

Maliban sa pagkakaroon ng online account, kinakailangan na nakapaghulog ng 120 buwanang kontribusyon ang mga OFWs at voluntary members bago ang buwan ng semestre ng kanilang pagsusumite ng retirement application at hindi pa nagpasa ng benefit claim sa SSS branch.

Kinakailangan na ang mga miyembro ay walang kinanselang SS number at walang balanse sa Stock Investment Loan Program, Privatization Loan Program, Educational Loan at Vocational Technology Loan.

Subalit ang mga miyembero na may balance pa sa salary, calamity or Salary Loan Early Renewal Program (SLERP) ay maaari pa ring magpasa ng kanilang retirement application online. Ang mga mag-aapply ng Loan Restructuring Program (LRP or condonation) ay hindi maaaring magsumite ng kanilang retirement application online.

Kinakailangan din na ang mga miyembro ay walang dependent child at hindi minero o hinete na 50 hanggang 55 taong gulang ang edad sa pagreretiro.

Dapat na tingnan muna ng OFWs at mga miyembro ang mga kwalipikasyon bago nila magamit ang web facility para sa kanilang retirement benefit, kung hindi, kailangan silang pumunta sa pinakamalapit na SSS branch upang isumite ng personal ang kanilang retirement application.

Bukod sa online na pagsusumite ng retirement claim para sa OFWs at voluntary members, ang mga miyembro ng SSS ay maaari ding mag-schedule sa SSS website ng araw kung kailan nila ipapasa sa pinakamalapit na SSS branch ang kanilang retirement application.

Maaaring gumawa ng appointment sa SSS website para maitakda ang araw ng pagpunta sa branch ng miyembrong magreretiro para magpasa ng kanilang application form at iba pang mga dokumento. Mayroon mga empleyadong na nag-aasikaso sa online appointment

Upang magamit ng mga miyembro ang online facility para mag-schedule ng appointment, kinakailangan na magkaroon muna ng account sa SSS.

Para sa mga karagdagang detalye, maaaring tumawag sa SSS call center sa mga numerong 920-6446hanggang 55 o mag-email sa [email protected].

SSS President and Chief Operating Officer
Emmanuel F. Dooc
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City
Republic of the
Philippines Social
Security System
sss.gov.ph

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending