Singer-actress pinagtawanan, sintunado na, mali-mali pa ang lyrics | Bandera

Singer-actress pinagtawanan, sintunado na, mali-mali pa ang lyrics

Cristy Fermin - May 30, 2018 - 12:15 AM

SINTUNADO! ‘Yun ang sigaw ng buong bayan nang kumanta sa isang variety show ang isang singer-actress na palaging bina-bash at pinagsasalitaan ng kung anu-ano ang mga lantarang umaayaw sa kanya.

Sinisisi ng mga miron ang singer-actress sa nangyari sa kanya nang pasintunado siyang kumanta. Kung anu-ano raw kasi ang kanyang pinagkakaabalahan at hindi na lang ituon ang kanyang oras sa pag-eensayong kumanta.

Pinagtawanan siya ng mga grupong hindi natutuwa sa mga ipino-post niya, nagmamagaling daw siya, pero wala naman pala siyang ibubuga.

“Kasi naman, instead na tutukan niya ang career niya, e, kung anu-ano pa ang pinanghihimasukan niya! Nakikialam siya sa buhay ng may buhay, kung anu-anong pintas ang ginagawa niya, kaya ayan tuloy, sintunado siya nu’ng kumanta!” unang sultada ng aming source.

Kilalang-kilala ang singer-actress na ito sa pangmemenos sa karelasyon ng kanyang anak. Parinig siya nang parinig sa young actor, kesyo wala raw respeto ang lalaki, hindi raw magandang impluwensiya sa kanyang anak ang boyfriend niya.

“Kung ‘yun ba naman, e, mag-practice siyang kumanta, e, di hindi sana nahalata ng publiko ang pasintunado niyang pagkanta? Kaso, wala na siyang inatupag kundi ang pintasan ang boyfriend ng anak niya!

“At hindi lang ‘yun! Pati mismong anak niya, ibinabandera niya sa buong bayan ang mga kahihiyang dapat, e, siya ang nagtatakip!

“O, di napahiya siya ngayon? Sa kagaganu’n niya, e, nag-boomerang sa kanya ang pagmamaldita niya! Nakakaloka! Ang gagaling pa naman ng mga kasabayan niyang kumanta!

“Okey na okey ang lahat, alam nila ang tono at lyrics ng mga songs, samantalang siya, ligaw na ligaw na nga siya sa tono, e, hindi pa niya alam ang lyrics ng piyesang kinakanta niya!

“Malaking leksiyon na sa kanya ang nangyaring ‘yan! Tantanan na kasi niya ang pagmamaasim, tigilan na niya ang pakikialam sa mahal ng anak niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mag-ensayo na lang siya, mag-practice na lang siyang mabuti, para kapag sumasalang siya sa entablado na milyun-milyon ang nanonood, e, hindi siya nasisintunado!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra na bumabalik na ang agimat sa panghuhula, Tita Nene Ulanday na palaging perpek, gusto n’yo ba siyang pabalikin sa Saigon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending