DOLE nangako ng umento sa sahod ngayong buwan | Bandera

DOLE nangako ng umento sa sahod ngayong buwan

- May 29, 2018 - 05:56 PM

TINIYAK ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakatakdang ipatupad ngayong buwan ang karagdagang sweldo sa arawang sahod sa harap naman ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Within the month, kasi very clear ‘yung instruction ng Presidente (the President’s instruction is very clear to) address the issue of rising prices,” sabi ni Bello.

Ibinasura naman ni Bello ang panawagang P750 minimum na arawang sweldo ng mga grupo ng manggagawa.

“Hindi kaya ‘yan. Kailangan pang pag-aralan nang mabuti ‘yan. Baka instead of helping the employees, baka mawawalan ng employment,” dagdag ni Bello.

Idinagdag ni Bello na hindi naman magiging pareho ang dagdag sa sahod kada rehiyon.

“Actually ‘yung sa regional wage boards, yearly ‘yan; once a year ka lang makapag-adjust but in case of a supervening event that may require immediate action you can activate ‘yung ating regional wage boards,” ayon pa kay Bello.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending