Pokwang tuwang-tuwa sa pagbisita ni Maine kay Baby Malia
MALAPIT pala sa isa’t isa sina Pokwang at Maine Mendoza. Maraming netizens ang nagulat nang malamang magkaibigan ang dalawa kahit magkaiba ang kanilang TV Network.
Personal na binisita ng Dubsmash Queen ang anak nina Pokwang at Lee O’Brian na si Baby Malia sa mismong bahay ng Kapamilya comedienne last Monday night.
Sa Instagram account ng bagets, ipinost ng komedyana ang mga litrato ni Maine habang karga-karga ang kanyang anak. Tuwang-tuwa ang mga followers ni Baby Malia at ni Maine sa kanilang mga IG photos.
Nilagyan ni Pokey ang litrato ng caption na: “Maraming salamat ate @mainedcm sa visit!! Hope to see you again soon!!!”
Bukod dito, may video ring ibinahagi si Pokey sa followers ni Baby Malia. Dito maririnig ang boses ng komedyana habang kinukunan ng picture sina Maine at Malia, na karga-karga naman ng kanyang yaya.
Sabi pa ni Pokwang nang biglang mag-smile ang anak habang kinukunan niya ng video, “Love na niya si Yaya Dub.”
May mga chikang kumalat kamakailan na lilipat na rin daw si Pokwang sa GMA 7 dahil may humaharang diumano sa kanya sa ABS-CBN na mabigyan ng mga bagong proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.