TAGUMPAY ang laban nina Ato Arman ng Mindanao at Arabelle dela Cruz ng Luzon na makarating sa hu-ling tapatan ng “Tawag Ng Tanghalan” sa It’s Showtime matapos tanghaling grand finalists sa pagtatapos ng ultimate resbak round noong Sabado.
Sila ang dalawang natirang matibay matapos ang isang linggong nakakatensyon at tinutukang ultimate resbak o wildcard round kung saan natalo nila ang 14 dating semifinalists na kanilang nakatapat.
Sa pagtatapos ng resbakan, nakamit ni Ato ang 100% na combined score mula sa pinagsamang judges’ scores at madlang peoples votes, habang 78.04% naman ang nakuha ni Arabelle. Parehong nag-uwi ng P150,000 ang dalawa.
Masasaksihan ang kanilang laban para sa kampeonato sa huling tapatan ng “Tawag Ng Tanghalan” na magsisimula na ngayong tanghali.
Dito, makakatapat nila ang pinakamahuhusay na pandaigdigang tinig nina Jovany Satera ng North Cotabato at Alfred Relatado ng Davao Occidental (Quarter 1), Anton Antenorcruz ng Parañaque at Remy Luntayao ng Negros Occidental (Quarter 2), at Tuko Delos Reyes ng Aurora at Sofronio Vasquez ng Misamis Occidental (Quarter 3).
Makakabanggaan din nila sa isang linggong grand finals ang global grand finalists na sina Steven Paysu ng Ca-lifornia, USA at Makoto Inoue ng Japan, at Janine Berdin ng Cebu at Reggie Tortugo ng Ormoc, Leyte (Quarter 4).
Huwag palampasin ang huling ta-patan kung saan malalaman na kung sino sa kanila ang tatanghaling pinakabagong grand champion ng “Tawag Ng Tanghalan” na makikilala na sa susunod na Sabado.
Samantala, matindi ang kapit ng madlang pipol sa malupit na ultimate resbak round ng TNT dahil online, naungusan nito ang grand finals ng American Idol Season 16 sa trending topics sa Twitter sa buong mundo.
Last Tuesday (Mayo 22), umakyat sa listahan ng trending topics ang hashtag na #ShowtimeTodoResbak dahil sa makapigil-hiningang performances ng mga resbakers.
Siyempre, isama na rin diyan ang mga kuwela at panalong punchlines at palitan ng jokes ng mga hosts lalo na nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Anne Curtis. Idagdag pa ang mga inspiring messages and advice ng mga hurado.
Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng It’s Showtime, tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.