Matt Evans mas dumami ang trabaho sa GMA | Bandera

Matt Evans mas dumami ang trabaho sa GMA

- May 27, 2018 - 12:25 AM


MULA nang lumipat ang dating Kapamilya actor na si Matt Evans sa GMA 7, hindi na siya napahinga sa pagtatrabaho.

Sa isang interview, inamin ni Matt na hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon na mag-ober da bakod at masaya raw siya ngayon bilang isang Kapuso.

Sa katunayan, overwhelming daw ang feeling dahil simula nang lumipat siya sa GMA ay hindi na siya nawawalan ng trabaho pero may oras pa rin naman daw siya para sa pamilya at sa kanilang negosyo.

Sey pa ni Matt, sana raw ay ‘yung tinagal niya sa kabilang istasyon ay mas mahigitan pa niya sa Kapuso Network. Bukod sa Sunday PinaSaya, napasama rin siya sa primetime serye na Sherlock Jr. at ngayon naman ay papasok na rin sa pinag-uusapang GMA Telebabad series na The Cure.

Ano nga kaya ang magiging karakter ni Matt dito at paano siya makakaapekto sa buhay ng pamilya Salvador?

Samantala, sa pagpapatuloy ng The Cure, nangyari na nga ang kinatatakutang outbreak ng mga infected sa Tent City. Dahil dito, napilitang tumakas sina Charity (Jennylyn Mercado) at Hope (Leanne Bautista) pero sa kasamaang palad ay napagsaran ng gate si Hope at nahiwalay sa ina.

Nahiwalay din si Greg (Tom Rodriguez) dahil aalis sana ito para hanapin ang lunas sa epidemya. At ngayong paparating na ang air strike para tugisin ang lahat ng mga infected, kailangang mahanap na ng pamilya Salvador ang isa’t isa. Makaligtas pa kaya sila?

Abangan lahat ‘yan sa The Cure sa Telebabad ng GMA pagkatapos ng 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending