Payo ni Anne kay Erwan: Huwag kang mag-alala, lilipas din ‘yan!
IPINAGTANGGOL ni Anne Curtis ang asawang si Erwan Heussaff matapos itong madamay sa kontrobersyal na multi-million-peso “Buhay Carinderia” project ng Tourism Promotions Board (TPB) sa ilalim ng pamumuno ni Cesar Montano.
Si Erwan ang nagsisilbing content creator ng “Buhay Carinderia” na ang layunin ay mai-promote ang mga pagkaing Pinoy sa ibang bansa. Kinukuwestyon ngayon ang nasabing proyekto matapos bumandera ang mahigit P80 million pondo na ginamit dito ng TPB. Nag-resign na si Cesar sa pwesto dahil dito.
Sa isang event, sinabi ni Anne na ginagawa lang ni Erwan ang kanyang trabaho at ang passion niya sa pagluluto.
“I know where Erwan’s heart is talaga when it comes to that, it’s always about pushing the Filipino food.
“Yun lang naman ang gusto niya, ma-highlight ang pagkain na mga Pilipino, so I support him with that,” ang paliwanag ng TV host-actress.
Ang payo raw ni Anne sa kanyang asawa, “Being someone kasi who is not a stranger to her own controversies, I always tell them – I told this to my sister (Jasmine Curtis), I told this to Erwan, na parang this too shall pass.
“Basta you know where your heart is, you don’t have to worry about it,” ang sabi pa ni Anne sa nasabing panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.