I-text kay Madam Sophia (June 28, 2013) | Bandera

I-text kay Madam Sophia (June 28, 2013)

Madam Sophia - June 28, 2013 - 03:24 PM

Mula kay Jojo ng Cabuyao, Laguna. February 2, 1979 ang birthday ko. Sino-sino ang ka-compatible kong babae at makapag-aasawa pa kaya ako kung Oo, kailan naman kaya ako makapag-aasawa?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 2, 1979, ka-compatible mo silang isinilang sa zodiac sign na Libra, Gemini, Leo at kapwa mo Aquarius, higit lalo silang isinilang sa petsang 7, 16, 25, 3, 12, 21, 30, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26. Habang inaasahan namang sa taong 2014 sa edad mong 35 pataas tuluyan ka ng makapag-aasawa hatid ng isang babaing chubby o medyo mataba.
> > >
Mula kay Emma ng …9230. Nag-aaplay po ako sa abroad sa ngayon bilang D.H., makakaalis kaya ako sa taong ito? April 8, 1989 ang birthday ko.  
Tugon mula kay Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 8, 1989, sa susunod na taong 2014 ka pa makapag-aabroad sa edad mong 25 pataas, at ang nasabing pangingibang bansa ay magiging maunlad at mabunga.
> > >
Mula kay  Kate ng …9812. December 1, 1990 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 1, 1990, sa susunod na taong 2014 sa edad mong 24 pataas magkaka-boyfriend ka na hatid ng isang lalaking isinilang sa buwan ng Mayo.
> > >
Mula kay Cecil Pormalejo ng Digos, Davao. March 15, 1978 ang birthday ko. Makapag-aasawa pa kaya ako kung makapag-asawa, kailan po kaya ito mangyayari?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong March 15, 1978 makapag-aasawa ka pa at ito ay inaasahang magaganap sa susunod na taong 2014 sa edad mong 36 pataas hatid ng isang lalaking isinilang sa buwan ng Mayo hanggang Hulyo.
> > >
Mula kay Greg ng …1234. August 18, 1984 ang birthday ko. Gradueyt po ako ng computer technician, kailan kaya ako magkakaroon ng regular na trabaho?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong August 18, 1984 sa taon ding ito ng 2013 sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, magkakaroon ka na ng regular na trabaho sa isang kumpanya na ang kulay ng logo ay red or yellow.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending