Hello Ateng,
Ano po ba ang the best kong gawin ngayon na gustong bumalik ng boyfriend ko sa akin?
Five months kaming nagkahiwalay dahil nakipag-break ako. Paano ba naman, nalaman ko na dalawa pala kaming GF niya. Yung isa kasama niya sa trabaho, ako naman dati niyang classmate sa high school.
Ayaw ko na sana pero sabi niya iniwan na raw ‘yung isang babae. Pero ayaw ko pa rin sanang magtiwala, ang kaso po mahal ko talaga e. Ano ba ang dapat kong ikonsidera bago ko siya pabalikin?
—Armie, Bacoor, Cavite
Hello Armie.
Ang tanong ko sa ‘yo, neng, ano ba talaga ang mas pinapahalagahan mo – ‘yung love o respeto sa sarili?
Yung love, malakas talaga ang dating niyan. Sabi nga love covers multitude of sins. Dahil sa love, nagtitiwala tayo. Naniniwala tayo. Nangangarap tayo na sana ito na nga ang sagot sa ating panalangin, pangangailangan at paghahanap o paghihintay. Pero pag dumating siya, Mare-realize natin eventually na hindi pala laging masaya at masarap ang feeling ng love.
Minsan nasisilat. Madalas nagkakamali. Pero dahil love nga, sige lang, paabuso tayo nang paabuso. Dedma sa mga mali. Patawad lang nang patawad. Kahit ang sakit-sakit na, kahit hindi na makuha sa walling ang pag iyak, sige lang, love mo e.
Hanggang isang araw napagod ka na lang. Ayaw na. Nagising ka na lang at na-realize na tama nakashungahan sa love. So walk out na.
For five months, nag-survive ka naman, hindi ba? For five months nakapag-isip ka na mali palang pinagsasabay ka sa ibang babae. For five months, ‘yung ibang babae ang kasama niya.
E after five months, ano? Nagsawa siya kay girl? At babalik sa iyo kasi alam niya na love mo pa siya. Na despite na five months na di ka niya hinabol, binalikan o sinuyo, pagbalik niya alam niyang matataranta ka na naman, magugulo at magmamahal pa rin sa kanya.
So after ilang months, in love ka pa rin sa kanya at alam niya ‘yun. Kaya dahil sawa na siya kay ate girl, balik siya sa ‘yo. At balik ka naman sa kanya, kasi nga inlababo ka sa kanya e.
So since love naman ang obvious na pinili mo, e di go. Antay ka na lang ulit kung kallan na naman siya mambababae. O hanggang kailan siya magtitino. Hindi natin masabi, di ba? For the meantime, pairalin mo ‘yung love mo. Dedmahin mo yung guts mo. Until next time na may gawin na naman syang kakaiba.
Gudlak, teh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.