Kabuhayan program ng DOLE | Bandera

Kabuhayan program ng DOLE

Liza Soriano - May 23, 2018 - 12:10 AM

HINIHIMOK ang mga magsasaka, mangingisda, tindero, at iba pang manggagawa na nasa informal sector na kumuha ng tulong pangkabuhayan upang mailipat sila sa pormal na ekonomiya.

Kinakailangang kumuha ang mga kuwalipikadong manggagawa ng “Kabuhayan Program” ng DOLE na pangunahing kategorya sa DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).

Ang programang pangkabuhayan ng DOLE ay nagbibigay oportunidad sa mga manggagawa na bumuo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng “income-generating livelihood activities.”

Maaaring mabigyan ng DOLE ng tulong pangkabuhayan ang mga manggagawa sa informal sector sa ilalim ng dalawang kategorya – group at individual project.

Para sa group project, maaaring makakuha ng P250,000 na pinansyal na tulong ang organisasyon na may nasa 15 hanggang 25 miyembro.

Ang organisasyon naman na mayroong 26 hanggang 50 miyembro ay maaaring makakuha ng halagang aabot sa P500,000; habang ang asosasyon na may higit sa 50 miyembro ay maaaring mabigyan ng tulong na aabot sa P1,000,000.

Sa ilalim naman ng individual project, ang mga manggagawa ay maaaring mabigyan ng Starter Kit o Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) ng hanggang P20,000.

Ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ng Kabuhayan program ng DOLE ay ang mga self-employed subalit hindi sapat ang kita; marginalized at landless farmer; marginalized fisher folks; unpaid family member; kababaihan at kabataan; low/minimum wage earner at seasonal na manggagawa; mga displaced na manggagawa o mawawalan pa lamang ng trabaho dahil sa resulta ng natural disaster o pagsasara ng establisyamento, retrenched at na-terminate na manggagawa; persons with disability (PWDs); senior citizens; indigenous people; mga magulang o guardian ng child laborer; rebel returnees; at mga biktima ng armed conflict.
Atty. Ma. Karina P. Trayvilla, Director of Bureau of Workers
with Special Concerns (BWSC) DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending