GMA naka-jackpot kina Bianca, Kyline at Pauline | Bandera

GMA naka-jackpot kina Bianca, Kyline at Pauline

Ervin Santiago |May 22,2018
facebook
share this

GMA naka-jackpot kina Bianca, Kyline at Pauline

Ervin Santiago - May 22, 2018 - 12:01 AM


HINDI na talaga paaawat ang tatlong Kapuso stars na sina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza sa pamamayagpag nila sa Kapuso primetime series na Kambal, Karibal.

Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang mga nakakalokang twist and turns sa kanilang mga karakter na sina Crisan, Cheska at Crisel na gabi-gabing nag-iiwan ng marka sa Kambal, Karibal.

Ngayong nagbalik na ang totoong Cheska sa kanyang katawan at habang ginagawa naman lahat ni Crisel para maramdaman at makita siya ng kanyang kakambal na si Crisan, siguradong mas magiging intense pa ang tarayan, iyakan at aksyon sa pinag-uusapan at laging trending na serye.

Sabi ng isang netizen, “Naka-jackpot na naman ang GMA. Who would have thought na kababaliwan ng mga viewers ang kuwento nina Crisan, Cheska at Crisel? I’m sure pag natapos na ang KK, mabibigyan uli ang trio ng pasabog na project.”

Sa pagpapatuloy ng kuwento, anong kapalaran kaya ang haharapin ng kambal na Crisan (Bianca) at Crisel (Pauline), ngayong nagbalik na sa katawan niya ang kaluluwa ni Cheska (Kyline)?

Kinuha na ng liwanag si Crisel matapos nitong humingi ng tawad sa mga kasalanan niya, pero paano niya pipigilan ang kasamaan ni Cheska at ng Black Lady? Kinausap pa ng Black Lady si Cheska para kumbinsihing kumampi na si Crisel sa kadiliman.

Hindi na rin nakikita ni Crisan at ng kanyang inang si Geraldine (Carmina Villaroel) si Crisel, kaya nahihirapan siyang bigyan ng babala ang kanyang pamilya. Sa panibagong pagpapanggap ni Cheska bilang Crisel, may pag-asa pa kayang maging payapa ang buhay ng pamilya nila?

Tutukan ang mas lalo pang umiinit na kuwento ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad pagkatapos ng The Cure.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending