Mister ng ex-wife ni Pulong ginagamit umano ang pangalan ni Digong | Bandera

Mister ng ex-wife ni Pulong ginagamit umano ang pangalan ni Digong

- May 21, 2018 - 04:10 PM

INAKUSAHAN ng Palasyo ang mister ng dating misis ni Presidential son at dating Davao City vice mayor Paolo “Pulong” Duterte na ginagamit umano ang pangalan ni Pangulo Duterte sa mga justices.

“Now we are also warning the public, including judges and justices. Meron pong umiikot- ito naman po ay asawa ng isang ex-wife ng anak ng ating Presidente-  ginagamit po ang pangalan ng apo ng Presidente para sa pagpi-fix ng mga kaso,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakatira ang apo ni Duterte na si Isabelle sa kanyang nanay.

“Sa mga mahistrado po, mga judges and justices, wag nyo pong entertain-in itong fixer na ito. Hindi po talaga kamag-anak iyan ni Presidente, e kinalulungkot po, merong kinalaman sa apo, wala po tayong mgagawa diyan, pero wala pong otordad iyan na gamitin ang pangalan ng Presidente at ng apo ng Presidente,” ayon pa kay Duterte.

Hindi naman direktang pinangalanan ni Roque ang kanyang tinutukoy.

“Alam na po kung sino siya, iisa lang naman yung current husband ng isang ex-wife ng anak ng presidente, so nagkaintindihan na po tayo, sigurado nakarating na rin ang mensahe sa kanya. Alam ng president ang gawain ninyo, hindi po iyan kinukonsintr at wag na po subukan ang pasenya ng ating presidente,” ayon pa kay Roque.

Kinumpirma naman ni Roque na si Lovelie Somera tinutukoy niyang dating misis ni Pulong.

“Iyun lang po ang sinabi sa akin. No names, but supposedly, the husband of a former daughter in law of the President, the current partner of a former daughter in law of the President,” sabi ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending