Maricel ayaw munang magdrama sa pelikula
NGAYONG “in” na naman ang klase ng comedy ni Maricel Soriano, asahan daw nating mas dadalasan niya ang pagtanggap ng masasaya at kuwelang pelikula pero may kakaibang sustansya at social relevance.
“Yun na yata ang mas kailangan ngayon, eh. Kasi kung drama at iyakan lang ang gusto ng mga tao, marami na tayong soap opera sa TV. Sana nga gawin nating laging masaya ang experience sa panonood ng pelikulang Pinoy,” bahagi pa ng naging pahayag ni inay Maria.
Nagustuhan kasi ng manonood ang box-office hit movie ng Regal na “My 2 Mommies” kung saan muling nakita ang kanyang pagkahenyo sa pagpapatawa at tila mas yun ang nais tutukan ng de-kalibreng aktres sa ngayon.
May mga TV offer si Maria na magdrama, kaya’t pagdating sa movies, mas trip daw niya ang mga light roles lang na magpapasaya sa madlang pipol.
“Tsaka, hello! Mas nakakabata sa feeling yung magaan lang na trabaho. Hayaan na natin ang sobrang drama sa mga bagets natin ngayon na mahuhusay namang talaga. Ako, du’n na lang uli sa kuwela at masaya,” hirit pa ng Diamond Star.
Sa ngayon, marami ang nager-request na pagsamahin ng Regal Films sina Maria at Maine Mendoza.
They believe na bagay magsama ang dalawa sa isang comedy film dahil kikay na kikay din ang Dubsmash Queen. Well, agree rin naman kami diyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.