Ara Mina may pa-fun run para sa mga batang may down syndrome
NAG-ORGANIZE ng fun run si Ara Mina, ang “Tara Na Sa Arena, Celebrity Fun Run” na gaganapin sa May 27. Tatakbo si Ara kasama ang celebrity friends sa paikot ng Philippine Arena.
“Hindi naman kaila sa inyo na may kapatid akong my down syndrome. She’s a member of the Down Syndrome Association of the Philipppines,” say ni Ara who was referring to her sister Batching or Mina Princess Klenk.
This is her second big event for down syndrome kids. Nag-concert na rin siya sa Araneta Coliseum para sa mga ito.
For the event, friends ni Ara ang karamihan sa magpapa-participate like LJ Moreno, Say Alonzo, Christine Bersola Babao, Jan Marini, Jaycee Parker, Diana Zubiri, Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.
May concert sa gabi where Jessa, Dingdong and Martin Nievera will perform. Tentative ang participation nina Cristine Reyes at Sunshine Cruz at maging si Aiko Melendez.
Interacting with her sister with down syndrome, aminado si Ara na mas hirap ang mommy niyang mag-alaga kay Batching kaysa sa kanya.
“Mas hirap ang mommy ko kasi she has tantrums. Nananakit sila kaya dapat dalasan natin ang acitivities and i-treat sila as normal people,” say ni Ara.
Ayon kay Ara, lucky charm niya si Batching.
“I think she was my lucky charm kasi nag-audition ako sa Ang TV at hindi ako natanggap kasi wala pa siya. Grabe, sa Ang TV audition nahimatay ako.
“Paggising ko nandoon na ako sa loob ng studio at ang humarap sa akin ay si Mr. Johnny Manahan. ‘Are you okay?’, he asked pero hindi pa rin ako natanggap. Nang mag-audition ako sa That’s Entertainment nakapasa ako kasi ipinanganak na siya,” kuwento pa ni Ara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.