'Belat video' ni Ellen sa Amanpulo pang-asar sa inang nagdemanda | Bandera

‘Belat video’ ni Ellen sa Amanpulo pang-asar sa inang nagdemanda

Alex Brosas - May 19, 2018 - 12:10 AM


UNPERTURBED at hindi affected si Ellen Adarna sa isinampang demanda sa kanya ni Myra Santos, ang ina ng 17-year-old na si Eleila Santos, na nag-file ng child abuse, cybercrime at libel case sa kanya sa Pasig City prosecutor’s office.

Nakuha pang magbakasyon ni Ellen sa Amanpulo kasama ang kanyang dyowang si John Lloyd Cruz na mukhang wala na talagang balak bumalik sa pag-arte matapos sabihing hindi na siya nagpapa-interview anything about showbiz.

Ellen was shown sticking out her tongue in one photo which some bashers took to mean na she’s making belat the mother who sued her.

Of course, the comments on Ellen were varied. Some are kampi sa kanya, while others make patutsada against her.

“Wala syang paki sa lawsuit na yan kaya lusot na sya jan. Hehehe! D sya affected.”

“Tubig nga sa bukal natutuyo. Cge enjoy lang kasi baka magising na lang mga yan wala na lahat ng kasikatan at karangyaan nila.”

“Ayan ang gusto ko sa pagkatao ni Ellen Adarna. Dedma lang ang mga intriga!”

“Sabihin mo makapal lang talaga ang mukha nya.”

“Para kanino kaya ang pagbelat ni Adarna? Parang pang asar nya dun sa Mag Ina na nagdemanda sa kanya? Pinamumukha nyang di sya affected.”

“Trots! si Ellen yung mayaman at cheap din at the same time. Mayaman sa pera, cheap naman sa manners. Kahit anong ganda kung ganyan ugali, pumapangit!”
q q q

Nasaan na kaya si Michael Pangilinan?

Hindi na kasi siya visible nowadays. Parang wala na siyang mga shows at hindi na rin siya nakikita sa anumang TV shows.

The last we heard ay na-turn off ang isang friend namin when he inquired for Michael para sa isang event. Our friend was surprised sa quote ng kapatid ni Michael na siya na raw tumatayong manager ng singer.

Kasi naman, P200,000 ang singil for three songs ni Michael. At kapag five songs ay P300,000.

Ganoon na ba kamahal si Michael, eh, hindi na nga siya visible sa concert scene?

Anyway, hindi yata nagkasundo ang friend namin at ang kampo ni Michael sa presyuhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanghihinayang kami kay Michael. Talented naman siya, kaya lang ay nagkamali siya ng diskarte sa kanyang career. Ayan, bigla tuloy siyang nalaos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending