Maricris Garcia mas pinili ang asawa kesa mag-abroad | Bandera

Maricris Garcia mas pinili ang asawa kesa mag-abroad

Ervin Santiago - May 18, 2018 - 12:25 AM

MARICRIS GARCIA AT TJ CRUZ

MAY kanya-kanya nang buhay ngayon ang tatlong miyembro ng dating Kapuso trio na La Diva.

Namamayagpag ang singing career ngayon ni Jona sa ABS-CBN habang patuloy pa ring umaariba si Aicelle Santos na sinuwerte ring makasama sa UK tour ng “Miss Saigon”. Si Maricris Garcia naman ay pinagsasabay ang pagkanta at pag-arte.

Humarap si Maricris sa entertainment media kamakailan para ibalita ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon. Kasabay niyang dumalo sa mediacon ng GMA Records at GMA Artist Center si Nar Cabico, at ang grupong JBK at TOP (Top One Project).

Kuwento ni Maricris, napatunayan niya na kapag nag-asawa ang isang tao ay nagbabago na talaga ang priorities. Ayon sa Kapuso singer-actress, tulad ni Aicelle inimbita rin siyang mag-audition noon para sa isang international project. Pero dahil nga bagong kasal lang siya, hindi niya ito naging priority.

“Outside of the country, medyo alanganin po ako du’n, kasi bilang medyo bagong kasal lang. Siguro po mas gusto ko na dito na lang para rin makabuo ng family at magka-baby,” ani Maricris. Isang taon na silang kasal ng businessman na si TJ Cruz.

Sey pa ni Maricris, “Kapag sa ibang bansa, hindi ko na siya tinatanong tungkol du’n. Like, yung kay Aicelle, nabigyan din ako ng invitation to audition. Naisip ko na agad what if matanggap ako, tapos ayaw ko rin umalis nga, so bakit pa ako mag-o-audition, in-explain ko na lang sa kanila.

“Although, habang ine-explain ko sa kanila, parang naiiyak din ako kasi sayang, di ba? Sayang, e, pero bilang kapag may asawa ka na iba na rin ang priorities,” aniya pa.

Dagdag pa ng Kapuso singer, “Ngayong nag-asawa na ako, parang ayaw ko ng masyadong pressure, ayaw ko na ng stress. Parang mas ina-appreciate ko kung ano ang merong nandiyan in the littlest things.”

Hindi naman daw nape-pressure si Maricris na magka-baby agad, “Since bagong kasal, ie-enjoy lang muna namin na kaming dalawa lang muna bago magka-baby. But we’re open naman anytime.”

Handa rin daw isakripisyo ng Kapuso star ang kanyang career kapag nabuntis na siya, “Siguro sa first year, talagang tutok na lang muna. Pero anytime na ready na rin akong bumalik, babalik talaga.

“Okay naman siya, basta hindi mapapabayaan yung family, yung baby. At saka alam niya rin na gusto ko talaga yung kumakanta,” pahayag pa ni Maricris na napapanood din ngayon sa GMA Telebabad series na The Cure nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, naghahanda na rin ang dating member ng La Diva sa kanyang 11th anniversary concert sa September.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending