Sino isusunod kay Sereno? | Bandera

Sino isusunod kay Sereno?

Leifbilly Begas - May 16, 2018 - 12:10 AM

MERONG nakahinga nang maluwag at meron namang nagsikip ang dibdib nang marinig ang desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa botong 8-6, talo si Sereno. Hirit naman niya, kung aalisin ang anim na kalaban ang tingin sa kanya o ‘yung tumestigo laban sa kanya ay panalo siya sa botong 2-6.

Ang inaabangan ng iba ay kung mayroon pang babaliktad sa walong bumoto kapag naghain si Sereno ng kanyang Motion for Reconsideration. Kapag nagkataon, malaking gulo–babalik si Sereno sa puwesto kung may iisang babaliktad, magiging 7-7.

***

Kung sa umpisa pa lang ay hindi umano kuwalipikado si Sereno na maging chief justice, paano na raw yung mga desisyon na ginawa niya mula 2012 hanggang sa siya ay matanggal?

Pwede bang kuwestyunin ang mga desisyon na kanyang ginawa?

Kung talo ka sa kaso, pwede mo raw bang gamiting argumento ang diskuwalipikasyon laban kay Sereno para mabuhay ulit ang kaso at magkaroon ng pag-asa na pumabor ito sa iyo?

***

Iba naman ang pumasok sa isip ng ilan nang marinig ang desisyon.

Matapos na matanggal si Sereno dahil kulang ang kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth, sino raw kaya ang isusunod?

Batay kasi sa ginawa kay Sereno, pwede nang kalkalin ang rekord hindi lamang ng mga justices ng Korte Supreme, Sandiganbayan at Court of Appeals at Court of Tax Appeals, kundi maging ng iba pang impeachable official upang subukan na mapatanggal ito sa pamamagitan ng quo warranto petition at hindi sa pamamagitan ng impeachment.

Dati kasi ay mahirap na matanggal sa posisyon ang mga impeachable official. Kailangan ng numero sa Kamara de Representantes at Senado para mapatanggal sa mahabang proseso.

Pero matapos ang kaso ni Sereno, napatunayan na ang isang impeachable official ay pwede ring matanggal sa pamamagitan ng quo warranto. Ang kailangan mo lang ay mapatunayan na hindi niya nakompleto ang requirement.

***

Nagugulumihanan ang mga nasa paligid ng Sugar Regulatory Authority sa North Avenue sa Quezon City kapag weekend.

Mayroon daw kasing nagvi-videoke. Ang bulong sa akin ay guwardya ang nasa likod ng mahiwagang boses na umaalingawngaw sa paligid na dinig na dinig lalo na kung disoras na ng gabi.

Non-stop daw ang pagkanta na sinisimulan ng Sabado at natatapos ng Linggo.

Nagtataka na ang mga tao sa paligid dahil hindi nauubos ang mga okasyon na idinadahilan kaya mayroong videoke.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Teka, sino bang nagbabayad ng kuryente na nakokonsumo sa pagkanta?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending