Erap sinabing kapwa tatakbo sina Jinggoy at JV sa Senado sa 2019
KINUMPIRMA ni Manila Mayor Joseph Ejercito “Erap” Estrada na kapwa tatakbo sa Senado sa 2019 ang dalawa niyang anak na lalaki na sina dating senador Jinggoy Estrada at Sen. JV Estrada.
“I wish them the best, I hope they both win,” sabi ni Estrada sa isang ambush interview matapos bumoto sa eleksiyon para sa Barangay at Sanggunian Kabataan (SK).
Dumating si Estrada sa P. Burgos Elementary school ganap na alas-10:20 ng umaga para bumoto.
Sinamahan siya ng kanyang anak na babae na si Jerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.