Stags nakabangon laban sa Chiefs | Bandera

Stags nakabangon laban sa Chiefs

Mike Lee - June 28, 2013 - 12:00 PM

Mga Laro Bukas
(The Arena)
4 p.m. Arellano vs Lyceum
6 p.m. Letran vs EAC

HINDI napigil ang mainit na si John Ortuoste para makabangon ang San Sebastian College Golden Stags mula sa maagang pagkatalo nang silatin ang Arellano University Chiefs, 78-76, sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Ortuoste, na dating kasapi ng Staglets na nanalo sa juniors noong 2007 at 2008, ay gumawa ng 28 puntos at siya ang umako ng mahahalagang puntos sa huling yugto para makabawi matapos matalo ang Stags sa Letran Knights sa unang laro.

“We know Arellano has a good system and we just try to outhustle and outwork them,” wika ni Stags coach Topex Robinson.

“I was not surprised of him (Ortuoste) because I told the guys they are special and it’s a matter of giving them the break,” dagdag ng nagbabalik na mentor ng Stags.

May 15 puntos ang Fil-Am na si Leo De Vera habang si Bradwyn Guinto ay may 10 puntos, 14 rebounds, 2 blocks at 1 steal.
Si Jovit de la Cruz ay mayroong 10 puntos at 9 rebounds habang ang rookie tulad nina Ortuoste, De Vera at Guinto na si Jaymar Perez ay nag-ambag pa ng 10 puntos, 8 rebounds, tig-3 assists at steals at 1 block.

“The good thing about this team is that we  don’t rely only on one or two players. It’s not just few guys but down till the 15th player,” pagmamalaki ni Robinson.

Sina Prince Caperal at Levi Hernandez ay may tig-11 puntos para pamunuan ang apat na may doble-pigura para sa Chiefs ngunit hindi nila natapatan ang mas mainit na laro sa huling 10 minuto ng Stags para mapurnada ang planong panalo para palakasin ang pagiging isa sa team-to-beat sa liga.

Nag-ambag naman sina Keith Agovida at Nard Pinto ng tig-10 puntos para sa Arellano.

Isang 7-0 bomba ang ibinukas ng Chiefs sa huling yugto upang ang 54-60 iskor ay maging 61-60 kalamangan.

Pero pitong puntos ang ibinagsak ni Ortuoste sa 9-0 run ng Stags para hawakan ang 69-61 kalamangan.

Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang Stags para makasama ang San Beda Red Lions na nasa ikalawang puwesto sa 1-1 karta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Ortuoste, na gunawa ng 12 puntos sa ikaapat na yugto, ay naging maganda rin ang laro para sa San Sebastian sa 69-74 pagkatalo nito sa kamay ng Letran kung saan umiskor siya ng 16 puntos. — Mike Lee

Scores:
San Sebastian 78 — Ortuoste 28, De Vera 15, Dela Cruz 10, Guinto 10, Perez 10, Gusi 3, Rebollos 1, Tano 1, Magno 0
Arellano 76 — Hernandez 11, Caperal 11, Agovida 10, Pinto 10, Salcedo 6, Jalalon 6, Forrester 6, Enriquez 5, Cadavis 4, Margallo 4, Nicholls 3, Bangga 0, Gumaru 0
Quarters: 20-14, 35-39, 60-54, 78-76

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending