Sarah pasimple ang pagrerebelde sa magulang; Matteo laban lang! | Bandera

Sarah pasimple ang pagrerebelde sa magulang; Matteo laban lang!

Ronnie Carrasco III |May 13,2018
facebook
share this

Sarah pasimple ang pagrerebelde sa magulang; Matteo laban lang!

Ronnie Carrasco III - May 13, 2018 - 12:10 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MARAMI ang nagsasabing simpleng “pambabastos” daw ang ginagawa ni Sarah Geronimo sa kanyang ina everytime na may hugot ito sa personal niyang buhay, lalo na sa usaping pag-ibig.

Para sa ilan ay “joke” lang ang pagsagot ni Sarah kapag tinutukso o kinakantiyawan ng fans tungkol sa kanyang lovelife, pero sa nakaraang concert tour niya sa US ay mukhang napapadalas daw ang pasimpleng pagbanat o patama niya sa ina.

Nariyang harapang pinapalitan ni Sarah ang lyrics ng kanyang kanta to send her message na gusto na niyang kumawala sa kanyang hawla.

Nariyang mag-emote ang dalaga ng paglilitanya ng lahat ng nagawa niya para sa kanyang pamilya para ipamukhang siya lang talaga ang inaasahan ng mga ito and just recently nga, sa kantiyaw ng mga Popsters na mag-asawa na siya, na sinagot ng Popstar na magpaalam ang mga ito kay Mommy Divine.

Kung hanggang kailan magbibingi-bingihan o mananatiling dedma ang tinatawag ngayong “divine intervention” ng mahal niyang ina na kilala na sa showbiz bilang very controlling and very protective mother, iyan ang ating aabangan.

Mabuti na lamang at very cute si Sarah sa mga tirada niya, pero kung tutuusin talaga, yun na ang kanyang paraan para iparamdam sa magulang ang tunay niyang pinagdaraanan.

q q q

Sa totoo lang, wala talagang laban si Sarah Geronimo sa mga maaanghang na komento ng madlang pipol.

Kahit ang boyfriend niyang Matteo Guidicelli ay tila “pressured” din sa sitwasyon lalo pa’t nagkakaisa ang marami na siya na nga ang lalaking karapat-dapat para sa aktres-singer.

Sa takbo kasi ng karir ng binata na may mga projects pang ine-enjoy, tila wala pa sa priorities nito ang paglagay sa tahimik.

So, saan na naman malalagay si Sarah niyan? Kahit kasi paulit-ulit niyang sabihing sa pakikipagrelasyon sa Diyos siya makukumpleto at mabubuo bilang isang babae at tao, the fact na meron siyang boyfriend at nasa marrying age na rin, people will always wait for Matteo’s answer.

Ang siste, mukhang hindi pa natin ito maririnig o makikita soon. Unless, si Sarah ang mag-propose sa boyfriend niya? Stressful naman iyan. Ha-hahahaha!

q q q

Mabuti pa ang relasyon ng Kapamilya singer-actor na si Young JV kay former PBB housemate Miho Nishida, kahit wala pa silang label, chill-chill lang ang drama nila.

Since pareho silang galing sa break-up nang ma-discover nila ang isa’t isa, ayaw nilang tawaging “on the rebound” lang ang lahat dahil may foundation na rin sila as good friends and now lovers.

“One move at a time,” sey ng rapper-singer-actor na siyang latest ambassador ng Megasoft products.

Kaliga na niya ngayon sina Myrtle Sarrosa, Bryan Termulo, Jolina Magdangal and family, among others.

Ayon pa kay JV, wala silang itinatago sa isa’t isa ni Miho at kapwa sila supportive sa kani-kanilang career.

Baka nga very soon ay magkasama pa sila sa pag-iikot ni Young JV sa bansa for Megasoft events.

Nagkakaroon naman sila ng time together kapag nagbabakasyon sila at sa katunayan, uulitin nila ito this year sa Japan tour nila.

q q q

Meanwhile, mabuti na ngang maging defensive kesa naman ma-bash forever.

Iyan marahil ang naging batayan ni Bea Binene kung bakit nagsalita na siya at nag-explain kung ano talaga ang meron sa kanila ni Alden Richards.

Sa tindi kasi ng emote at pagiging seloso ng mga fans ng guwapong aktor, kawawa talaga ang babaeng mali-link o mauugnay dito, kahit pa nga friendship lang ang talagang namamagitan sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Saludo kami sa tapang ni Bea kahit pa marami rin ang nagsasabing may kakaibang kakikayan ang dalaga kaya napapagkamalang nilalandi si Alden.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending