Mega: Spoiled ako sa daddy pero hindi kami pinalaking mga brats! | Bandera

Mega: Spoiled ako sa daddy pero hindi kami pinalaking mga brats!

Ervin Santiago - May 12, 2018 - 12:25 AM

SHARON CUNETA

BINUWELTAHAN ni Sharon Cuneta ang paandar na isang basher na wala raw ginawa ang Megastar kundi ipagyabang at ibandera ang kanyang kayamanan sa social media.

Ito’y matapos mag-post sa kanyang Instagram account si Shawie ng photo kung saan makikita ang pakikipag-bonding niya sa ilang kaibigan sa Japan. Dito, nag-throwback si Mega at sinabing noong una siyang nagpunta roon noong 1982, ay 16 pa lang siya kasama ang kuya niyang si Chet Cuneta.

Ayon kay Sharon, binigyan daw silang magkapatid ng kanilang yumaong ama na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta, ng tig-US$10,000 bilang pocket money.

May isang nag-comment sa IG post ng singer-actress ng “Poor people starved in the country” at may nagsabi rin na “isinasampal” daw ni Sharon sa madlang pipol ang kanyang yaman.

Sinagot ito ni Mega ng, “Mura pa po dolyar noon. AT KUNG GUSTO KO ‘ISAMPAL’ ANG KAYAMANAN KO ANUMAN YUN HINDI KO ISUSULAT ANG 10,000 nung 1982. Baka atakihin siya sa puso kung pumili siya ng later na taon.”

Wala pang 10 pesos (P9.46) ang palitan noon ng dolyar sa Pilipinas, base na rin sa nakuha naming impormasyon sa internet.

May mensahe rin si Sharon sa mga taong walang ginawa kundi ang maging bitter, “Many people have to pull other people down in order to feel better about themselves…” bahagi ng post ni Sharon na umamin ding, “Oo, spoiled po ako ni daddy pero never kami hinayaang maging mga brats!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending