Nasisiyahan sa Duterte gov't kumonti-SWS | Bandera

Nasisiyahan sa Duterte gov’t kumonti-SWS

Leifbilly Begas - May 11, 2018 - 05:48 PM

BUMABA ang bilang ng mga nasisiyahan sa Duterte government ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nakakuha ang Duterte administration ng 58 porsyento net satisfaction rating (69 porsyentong satisfied, 18 porsyentong undecided at 11 porsyentong dissatisfied) sa survey noong Marso 23-27.

Mas mababa ito sa 70 porsyentong nakuha ng administrasyon sa survey noong Disyembre (79 satisfied at 9 dissatisfied).

Sa batayan ng SWS, ang 70 porsyento ay “excellent” at ang 58 porsyento ay “very good”.

Bumaba si Duterte ng 15 porsyento sa Mindanao o mula 87 porsyento ay naging 72 porsyento. Sa Mindanao kumuha ng malaking boto si Duterte kaya nanalo noong 2016 elections.

Nakakuha naman si Duterte ng 58 porsyento sa National Capital Region mula sa 71; Sa iba pang bahagi ng Luzon ay 50 porsyento mula sa 67. Nanatili naman sa 57 porsyento ang satisfied sa gobyerno sa Visayas.

Pinakamataas ang rating ng gobyerno sa pagtulong sa mga biktima ng sakuna (75 porsyento). Sumunod naman ang pagtulong sa mahihirap (68 porsyento), pagsasaayos sa Marawi City (63 porsyento), pagtatayo ng pampublikong imprastraktura (62 porsyento), pagtulong sa mga overseas Filipino workers (59), paglaban sa terrorismo (58), at proteksyon sa karapatang pantao (54).

Pagsugpo sa korupsyon (46 porsyento), maayos na pampublikong sistema ng transportasyon (41), pagsasabi ng totoo sa bayan (41), pakikipagkasundo sa mga rebelde (41), pagsunod sa international treaties (40), paglaban sa krimen (40), magandang relasyon sa United Nation at iba pang international organization (37), pakikipagkasundo sa mga komunista (37), pakikipag-ugnayan sa ibang bansa (36), pagtatanggol sa teritoryo ng bansa (36), pagtatanggol sa inaangking bahagi ng bansa sa West Philippine Sea (34), pagsiguro na walang pamilyang magugutom (22), at pagtiyak na hindi tataas ang presyo ng bilihin (6).

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending