“Panalo po tayo.”
Ito ang reaksyon ng pinatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos namang samahan ang libo-libong mga tagasuporta sa harap ng Korte Suprem.
Sinabi ni Sereno na anim sa walong justices na bumoto pabor sa inihaing quo warranto petition laban sa kanya ay mga hindi patas at dapat na nag-inihibit sa botohan.
“Maraming salamat po sa ating Panginoon. Lumawak po ang ating laban. Dapat ang anim ay nag-inhibit kaya’t kung tutuusin panalo po tayo. Anim sa natitirang walo ang nagsabi na ‘di ako dapat alisin; dalawa lang ang bumoto na dapat akong alisin,” sabi ni Sereno.
“Pero dahil ‘di nag inhibit ang dapat mag inhibit, ganyan na lamang po ang nangyari,” dagdag ni Sereno.
Tiniyak ni Sereno na tuloy ang laban para protektahan ang demokrasya.
“Inaalis ako sa puwesto pero ang anim na boto ay patunay na tama ang aking paninindigan, ang inyong paninindigan. Laban po tayong lahat, sama-sama po tayo hanggang kadulu-duluhan,” ayon pa kay Sero.
Binatikos din ni Sereno ang walong mahistrado na bumoto para siya patalsikin sa puwesto.
“Inangkin nila ang tanging karapatan ng Senado. Tahasang nilabag ang sinumpaang tungkuling pag-ingatan ang Saligang Batas at winasak ang hudikatura,” ayon pa kay Sereno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.