Dapat updated ang hulog sa PhilHealth | Bandera

Dapat updated ang hulog sa PhilHealth

Lisa Soriano - June 28, 2013 - 07:00 AM

Dear Aksyon Line,
Ako po ay suki ng Bandera mula pa noon hanggang ngayon. Mabuti po at mayroong Aksyon Line na handang sumagot sa anumang katanungan ng mga mambabasa. Ako po ay matagal ng miyembro ng PhilHealth kaya lang on and off ang paghuhulog ko rito sapagkat ako ay may paiba-ibang employer.
Tanong ko lang po, maaari ko pa rin bang magamit ang PhilHealth ko ng sakaling mataon na ito ay mahintuan kong hulugan? O kinakailangang diretso ang paghuhulog upang ito ay aking magamit? Please help me.
Thanks!
Kristina Santiago

REPLY: Magandang araw po.

Sa patuloy po na pagkamit ng benepisyo ng PhilHealth kinakailangan po na may hulog tayo ng tatlong buwan sa loob ng anim na buwan bago ma-ospital.
Sa kaso po ninyo, at sa kahit na sinong miyembro, siguraduhin po natin na tuloy tuloy ang paghuhulog ng kontribusyon upang masigurado na tayo ay makakagamit ng benepisyo.

Mangyari rin lamang po na laging mag update ng records sa PhilHealth lalong lalo na po sa katulad ninyo na nahihinto ang trabaho at may paiba ibang employer.

Kung may mga katanungan po kayo, maari po kayong tumawag sa aming action center, 02- 441-7442, o bisitahin ang aming website na www.philhealth.gov.ph.

Warm regards,
Israel Francis A. Pargas,
MD Senior Manager
Corporate
Communication
Philippine Health Insurance Corporation
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot nang
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending