ABS-CBN wagi ng Bronze World Medal sa 2018 NY Festivals
NAGWAGI ang ABS-CBN ng Bronze World Medal sa 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films (NYF) para sa kampanya nitong “To Love and To Serve” sa kategoryang Station/Image Promotion ng prestihiyosong kumpetisyon.
Ang TV spot ay gawa ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) na ipinahiwatig ang pasasalamat ng ABS-CBN dahil sa karangalang maging bahagi ng pagmamahalan ng bawat pamilyang Pilipino.
Ilan sa ipinakita sa video ay ang isang tricycle driver na nag-uwi ng pinag-ipunang segunda manong TV set para sa kanyang pamilya; isang domestic helper na naglalagay ng mga pasalubong sa balikbayan box; isang amang pinupuri ang lalaking anak sa kanyang dinisenyong gown; ang pagtutulong-tulong ng mga Muslim at Kristiyano para makapag-abot ng relief goods sa mga biktima ng kalamidad, at iba pang pagsasalamin sa pagkakaisa at pagmamahalan ng mga Pilipino.
Ang kampanyang “To Love and To Serve” ay gawa nina Christine Daria Estabillo, Maria Lourdes Parawan at Raywin Tome, at idinirek ni Paolo Ramos.
Nagwagi rin ng Gold World Medal award ang ABS-CBN para sa dokumentaryong “’Di Ka Pasisiil.”
Samantala, nagwagi ang ANC, the ABS-CBN News Channel, ng Silver World Medal para sa pilot episode na “Bandurria” ng programang dokumentaryo nito na “Local Legends.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.