'Tapos na ang maliligayang araw ng pekeng male personality!' | Bandera

‘Tapos na ang maliligayang araw ng pekeng male personality!’

Cristy Fermin - May 09, 2018 - 12:15 AM


ANUMANG peke lang ay hindi talaga nagtatagal. Kahit sa mga produkto ay iba pa rin ang original.

Matagal ang buhay, matibay, hindi nakapanghihinayang na bilhin.

Parang tao rin. Kapag hindi natural ang ganda ay kumukupas, lumilipas, hanggang sa mawala na sa sirkulasyon.

Nasaan na nga ba ngayon ang isang maangas na male personality kuno na nu’ng bagong labas pa lang sa operating room ay akala mo wala nang bukas sa sobra niyang kaangasan?

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan, e, may nakakita sa kanya sa isang mall, papansin pa rin si mokong, pero wala namang pumapansin sa kanya. Kasama niya siyempre ang mga katropa niyang gumagawa ng ingay para lang siya mapansin.

“Ganu’n ang drama nila, kunwari, e, may sisigaw, ‘Wow! Si ____ ‘yun, a?’ Siyempre, lilingon naman ang mga tao sa paligid! Ganu’n ang ginagawa nilang magkakatropa, parang may barker sa kanila na tagasigaw!

“Pero tapos na ang maliligayang araw ni ____ (pangalan ng male personality), kapos na ang mga drama niya, wala na silang maisip na gimmick ngayon para mapaingay ang name niya!” sabi ng aming source.

Minsan naman ay nakita siya ng mga kababayan natin sa isang fiesta. Inimbita siya para mag-entertain ng mga tagaroon, pero dahil wala naman siyang talent talaga, waley pa rin ang kanyang dating.

“Napakatamlay ng pagtanggap sa kanya sa fiesta, paano naman, sa unang litanya pa lang niya, e, napakaangas na ng sultada niya! Ang banat ng retokadong mokong, ‘Kilala n’yo ba ako?’

“E, ang napuntahan niyang lugar, e, balwarte ng mga kabataang mas maangas pa sa kanya, kaya ang sagot ng mga tinanong niya, ‘Hindi!’

“Du’n pa lang, e, wala na siyang naisagot. Kung nagtangka siyang sumagot at inaway niya ang mga bagets na sumigaw na hindi siya kilala, makalabas kaya siya nang walang mga upak sa lugar na ‘yun?

“’Yan ang resulta ng kaangasan niya, parang mukha rin niyang fake! Saan na kaya siya pupulutin ngayon, sa kangkungan o sa basurahan?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba naman ng clue para matumbok n’yo kung sino ang dya-fake na male personality na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending