Anong dapat gawin kung may alta presyon?
UNANG-UNA ay sagutin muna natin ang tanging sanhi nito. Ano nga ba ang sanhi ng alta presyon?
Kung ikaw ay mataba, magbawas ng timbang, iwasan ang mga pagkain na maalat, matataba at matatamis na pagkain.
Kung hindi ka masyadong aktibo, kailangan gumalaw-galaw ka at mag-ehersisyo.
Kung may problema ang bato at puso dapat ay magamot muna ito (magpa-konsulta sa Nephrologist o Cardiologist). Binibigyan ng mga gamot kagaya ng pampa-ihi (Diuretics) at pampababa ng tens-yon sa mga ugat at para makontrol ang tibok ng puso.
Karamihan ng may alta presyon ay dahil sa “STRESS” lamang. Kung ganun, kapag natugunan ang stress, tiyak na matutugunan din ang alta presyon.
Nguni’t ang mahirap na parte ay kung paano IWASAN at ALISIN ang “Stress”. Sa katotohanan lang, tayo rin ang gumagawa nang sarili nating stress kung kaya’t mayroon tayong kapangyarihan bilang tao na tanggalin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang espiritwalidad, kung saan ang ating malikot at mapagmalaking kaisipan ay susunod sa mas mataas na kaisipan ng ating Diyos.
Subaybayan ang mga susunod na kabanata.
Narito naman ngayon ang mga tanong ng ating mga readers na isa-isa po nating sasagutin. Maraming salamat po sa inyong mga mensahe at kami dito sa Bandera ay lubos na nalulugod sa inyong mainit na pagtangkilik. Heto po ang inyong mga tanong at ang aking sagot:
Good day, doc. Ask ko lang kung ok lang na may laktaw ang monthly period ng aking anak kasi po nagkaroon po siya bago mag 13-years old. Feb 5 po nung unang mgkaroon tapos di na po nasundan (hindi po siya buntis ha). May gamot po ba o exercise na inyo pong maipapayo, masugid na tagasubaybay po ito, si Jona, 4, Tgauig, City, ….4298
Hindi kinakailangan mag-alala dito kasi posibleng normal pa yan sa bagong nagkaroon ng regla. Hintayin lang na maging regular ang buwanang dalaw.
Morning d0k. Jean, 23, Tacurong City. Dok anong dapat kong ga-win para mawala or mahinto ang dysmenorhera ko? kasi pagdating ng first day ko, ang sakit-sakit ng tiyan o puson ko. — 8231
Pwede kang uminom ng gamot kung may masakit lang, ha-limbawa ibuprofen.
D0c tanong ko lang po minsan nahihirapan akong huminga, hinihingal ako, sumasakit dibdib ko. Ano po ibig sabihin nun? — Renrose po, ng Butuan, …0678
Posibleng muscle ache lang o kaya ay sakit sa puso at baga, o kaya naman ay hindi ka lang physically fit, mataba at kulang sa exercise.
Si Dr. Heal ay gabi-gabi rin na napapakinggang sa programang Radyo Medico sa Radyo Inquirer 990 AM, mula alas 8 hanggang 9:30 ng gabi. Maraming mga isyung pang-kalusugan ang tinatalakay kabilang na ang diabetes. Abangang ang kanyang kolum sa Bandera tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.